Chapter 30 | Lion's Cage

3.2K 216 73
                                    

Emnestra's POV

Pagkatapos kong sanggain ang espada ni Oceanus, napaigtad ako sa patpat na mahina niyang tinama sa nakabukas kong tagiliran.

"You're still open," sabi niya.

Both my hands holding my sword weighed down in front of me. Pinagpapawisan ako nang tapunan siya ng namamagod na tingin. "Wala ba akong break?"

His brows furrowed. Dagliang bumaba ang kanyang mga mata sa nakasayad kong espada. As he was about to answer, another knight approached us.

"Oceanus, pinapatawag ka ng admiral."

I thought that his sudden interruption was disrespectful.

"About what?" usisa ko.

The soldier bowed his head before answering. "Your Highness, kulang ang ating mga sundalo sa southeastern camps. Nais ng admiral na ilipat siya—"

"Hiramin." Tumuwid ang aking tayo. "Hiramin ang ibig mong sabihin. He is not just any other soldier. He is my guard. Paano niya ako mapoprotektahan kung ililipat niyo siya?"

The soldier bowed his head again. This time, lower. "My apologies, Your Highness."

"For how long will you borrow him?" tanong ko.

"A week, Your Highness," sagot niya nang nakababa pa rin ang ulo. "Sapat na siguro ang isang linggo para mapanatag ang southeast borders."

I eyed him head-to-toe, bago harapin si Oceanus.

"Don't die in battle," utos ko.

He gave me a knowing look as he tilted his head. "Your Highness."

Napangiti ako at sinenyasan siyang sundan 'yong sundalo. Sabay silang yumuko sa'kin at hinatid ko sila ng tingin palabas ng training grounds. Nang maiwan akong mag-isa, isang knight na naman ang lumapit sa'kin.

"Your Highness," he greeted, his head lowered. "His Majesty has summoned you."

"His office? Or the throne room?" I asked, nang makapaghanda ako.

"Throne room."

My heart missed a beat at his answer.

Throne room. Ibig sabihin, mapapagalitan ako... Humigpit ang aking mga labi. O paparusahan na naman ako...

Tinapon ko ang espada sa lupa at sinundan ang sundalo papasok sa palasyo at papunta sa throne room.

Ano na namang nagawa ko? Ano na namang pagkakamali ko?

The closer I got to the throne room, the stronger the walls pushed their pressure unto me. Hindi naman gumagalaw ang mga ito pero pakiramdam ko naiipit ako sa gitna. It was suffocating, lalo na nang pumasok kami sa malaking silid at agad humiwalay ang sundalo para mag-isa akong tumungo sa harap ng trono kung saan nakaupo ang hari— ang aking ama.

"Emma," sambit niya.

I slightly lowered my head at him.

"Have you heard about the talks? As to why you weren't seen during your mother's funeral procession?"

Gusto kong mapapikit sa inis at dismaya. Gusto kong magtanong, umangal, kung bakit mas mahalaga para sa kanya ang usap-usapan ng iba kesa sa nararamdaman ng anak niya.

"No, Your Majesty," blangko kong sagot.

"A lot," aniya. "But if I am to summarize the rumors, most vampires thought of you weak."

Weak.

Ito ang palaging dahilan kung bakit ako napapagalitan, napaparusahan. Simply because my father believes that showing emotions is weak and women are emotional beings, meaning we're naturally weak.

The Blood MaidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon