Chapter 24 | Prince of Dreams

3.8K 266 272
                                    

Elaire's POV

Nagising ako sa tunog ng tumatakbong tubig, at higit sa lahat, sa umaalingasaw na amoy ng kanal.

Binuksan ko ang aking mga mata at hindi nga nagkamali ng kutob— I was in a dimly lit tunnel. Its cold, damp walls pressing in on all sides. I was, in the depths of the sewer.

One of my arms rested on the edge of a concrete ledge, almost touching the murky water. Hinila ko ito at maingat na tumukod sa semento hanggang sa maupo ako. I waited until my head stopped throbbing, then blinked away the haze that clouded my vision.

Nakakaduwal dito. I need to leave. Immediately.

Sa kabila ng pagod at kirot sa aking katawan, bumangon ako mula sa pagkakaupo, at tinaimtim ang irita para sa makapal kong palda na kinailangan ko pang angatin sa una kong hakbang.

"Appareo," I tried to summon a magic circle, to no avail. Isang kislap lang ang lumitaw sa paanan ko, palatandaan kung gaano kahina ang kasulukuyan kong kapangyarihan dahil kababalik pa lang ng malay ko.

Walking alone in the sewers, every step I took was accompanied by echoing waves. "Appareo," I summoned a magic circle again, only for a few sparks to ignite in front of me.

Nakakapit ang mga kamay sa gown, namamagod kong ipinagpatuloy ang pagtahak sa kahabaan ng madilim na lagusan. Marami akong napansin sa sarili habang naglalakad— napakadumi ng gown ko at kaya mabigat ito dahil basa ang dulo ng long skirt nito. Naaamoy ko rin ang natuyo kong dugo sa mukha at mayroon pa ngang mga hibla ng buhok ko na dumikit sa mga sugat ko. Maingat kong tinanggal ang mga ito, ngumingiwi sa hapdi.

Back there, at the palace, bago ako nahimatay, akala ko papatayin nila ako— na bubugbugin nila ang mukha ko hanggang sa madurog ito. But they didn't. Why?

My lungs ached when I sighed. Humawak ang aking braso malapit sa baga kong kumikirot. It wasn't much but holding my ribs did relieve the pain a bit.

"Elle!"

My ears perked at a familiar voice calling my name.

Lord Haste?

Sinubukan kong tuntunin kung saang direksyon ito galing. Nang mahirapan, sumagot ako, "I'm here—" Bahagya akong napabaluktot sa sakit nang subukan kong sumigaw. Every breath that followed hurt. Dahan-dahan akong napayuko, nakakapit sa aking baga. Padaskol akong dumako sa pader at sumandal dito.

Lumingon ako sa papalakas na yabag ng mga paa.

Out of the shadows, out of one of the tunnels of the sewers, biglang lumabas si Lord Haste.

"Nahanap ko na siya!" anunsyo niya at sandaling naglaho para lang lumitaw ulit sa harap ko. Lumukot ang kanyang mukha nang makita ng pangmalapitan ang hitsura ko. "Tatanungin sana kita kung okay ka lang ba pero— holy shit, Elle."

"Did something happen at the palace?" tanong ko.

"Yeah, right," sagot niya. "May mangyayari na sana sa'min ni Lady Cornelia."

"Lord Haste," nababagot kong sambit. "Seryoso ako."

Mahina siyang tumawa. "Ako rin naman, ah," aniya. "Thanks to you, hindi ko nauwi sa kwarto ko si Cornelia." He shrugged. "Pero naagapan naman namin ang balak ng immigrants na pasabugin ang Great Hall."

Ipinagtaka ko ito. "But I didn't do anything."

Muli niya akong tinawanan. "Nawala ka sa banquet, Elle, 'yan ang ginawa mo."

Mas lalo akong naguluhan.

Maingay siyang bumuntong-hininga. "Napansin ni Mirev ang pagkawala mo. Sinubukan ka niyang hanapin. Long story short, una niyang nahanap ang dumukot sa'yo at natuklasan niya ang plano nila. Longer story made shorter, nandito kami para ibalik ka sa kanya— I mean—" He chuckled. "Ibalik ka sa palasyo. You get me, right?"

The Blood MaidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon