Chapter 48 | Muse

6.8K 241 160
                                    

Elaire's POV

"Ano pa ba ang ibang dahilan kung bakit hinahanap niya ako?" tanong ko sa hari na katabi kong nakaupo sa harap ng mesa. "She's looking for me because she needs me."

Nabuo ang kutob kong ito dahil sa sinabi ni Admiral Sienna. Ayon sa kanya, binubuhay lang ng lyrebird queens ang mga bampirang kailangan ng iba. It's not a coincidence, I think, that someone is looking for me. The queen bird resurrected me because it could've known that another queen needed me— Queen Emnestra. Hindi ko pa nga lang alam kung bakit niya ako kailangan at paano ko siya matutulungan.

Pagkatapos kong ipaliwanag sa hari ang tungkol dito, bumalik kami rito sa Ruby Hall. My lunch was cut short and so was his training. Sa kasalukuyan, naghahanap kami ng impormasyon na makakapagpatibay ng aking kutob.

"She did, look for you..." King Mirev calmly flipped through the pages of a journal.

Meanwhile, I dragged my eyes all over the books and papers on the table, searching for something to inspect. "Your Majesty." Kinuha ko ang journal na hindi ko pa tapos basahin. "Ano sa palagay mo ang kailangan niya sa'kin?"

Hindi niya ako sinagot at sa halip ay sinubukang abutin ang nakasobreng sulat ni Misa. Nakaipit ito sa mga pahina ng isa sa mga libro. Before he could touch it, however, I grabbed the letter first. Sandaling umangat ang kanyang magkabilang kilay sa gulat at saka gumuhit ang isang namamanghang ngisi sa kanyang mukha. Mahina rin siyang natawa.

"I wanted the book, not the letter," sabi niya sabay kuha ng librong pinag-ipitan ng sulat.

Pinaningkitan ko siya. Mapilyo niya naman akong sinulyapan bago buksan ang libro dahilan para manliit pa lalo ang aking mga mata.

"You've already read the letter, haven't you?" hinala ko.

Komportable siyang sumandal sa kanyang upuan. Idinekwatro niya ang kanyang mga paa at kumibit-balikat siya nang hindi ako binabalingan.

"You should really stop meddling with my personal affairs, Your Majesty," nababagot kong turan.

"If there's one thing that mates do not like, Elaire..." Lumipat siya sa kasunod na pahina. "It is affairs."

"That's— that's not even the kind of affairs that I'm talking about," sagot ko.

He simply smirked at my reply, seemingly entertained and maybe a bit proud, dahil nagawa niya akong inisin.

Palihim ko siyang sinaksak ng tingin at binuksan na sa wakas ang sobre. Inilabas ko ang nakatuping papel mula rito at pagkatapos ilapag sa mesa ang sobre, tinuwid ko ang mahabang sulat ni Misa— No. It wasn't a letter. It was an essay, graded A1.

Kumunot ang aking noo sa nakabilog na marka. A and one?

"It is the highest score in Academia," the king suddenly said, after noticing that I was staring at it for too long.

'Red, My Favorite Color by Arythmisa Del Via, Novice, Section Crimson.'

Akala ko isang galit na mensahe ang ipinadala ni Misa sa'kin. Hindi pala.

Intrigued, I continued reading.

'Red was the girl who saved me when I was too young to know that I was dying. Red was the pair of eyes that cried when I laid down beneath a starless night. Red was her hair, that smelled burnt, when I learned how to breathe again.'

Lumambot ang aking mukha.

'Red is my favorite color because it reminds me of my savior.'

Malumanay akong napangiti habang nagbabasa. Hindi pa nga ako nakaabot sa dulo ng papel nang magsimulang manghapdi ang aking mga mata at hindi ko na matuloy-tuloy ang pagkisap dahil sa pagpipigil ko ng nanggigilid na mga luha.

The Blood MaidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon