Chapter 25 | Desires

3.6K 237 156
                                    

Haste's POV

"What are you? An animal?" tanong ni Mirev pagkatapos kong iangat ang aking ulo mula sa duguang leeg ng maid na nakaluhod sa harap ko.

"You are staining my carpet," dagdag pa niya. "Finish it already."

Hindi ko pa rin binibitawan ang buhok ng maid nang ibaba ko ang aking bibig sa tapat ng kanyang tenga. "Pa'no ba 'yan, nadumihan ng dugo mo 'yong bibig ko," bulong ko. "Pakilinis gamit ang sa'yo."

Pinakawalan ko siya at saka sumandal sa mahabang sofa ng kwarto ni Mirev. Tahimik na humihingal dahil sa halos isang minutong walang-tigil na pag-inom, sinulyapan ko si Anselm na nasa kabilang upuan, nagbabasa ng libro. Nasa katapat niyang silyon si Mirev na naka-dekwatro habang malalim na nakatitig sa mesang pinagitnaan namin.

Humarang sa paningin ko ang katawan ng maid na nanghihinang tumayo. Masaya ko namang ibinaling ang aking atensyon sa kanya na ipinatong ang kanyang tuhod sa pagitan ng nakabuka kong mga hita. Isang kamay ang itinukod niya sa sandalan, sa tabi ng aking ulo, bago siya humilig sa aking mukha na tumingala sa kanya.

Hinawakan niya ang aking panga at sinimulang linisin ang kanyang dugo sa aking bibig gamit ang sarili niyang dila.

"Pa'no natin malalaman kung may iba pang plano ng atake 'yong immigrants, eh, wala namang iniwan si Mirev ni isa?" tanong ko, sa ilalim ng anino ng maid na ninanamnam ang lasa ng dugo niya sa balat ko. "Not unless, sigurado na tayong wala na nga silang ibang balak?"

Umawang ang aking bibig nang daanan ito ng namamasang dila. Naramdaman ko ang pagbigat ng tabi ko, nang itukod ng maid ang kabila niyang tuhod sa sofa.

"They don't have the time to create another plan." Narinig kong sagot ni Anselm. "Tomorrow's the last day of the new king's visit."

Sumayad ang aking paningin sa labi ng maid. Namumula ito habang nakatapat sa aking hininga. Dahan-dahang pumihit pababa ang aking ulo, paharap sa init ng ginhawa niya. At saka ko hinawakan ang nakatukod niyang binti sa pagitan ng akin at hinila ito dahilan para mapaupo siya sa mga hita ko.

Tumakbo ang aking mga palad paangat sa kanyang balakang. "So, sigurado na tayo?" Hindi ko na ito kinailangang igiya pasadsad sa ibabaw ko dahil kusa nang gumalaw ang maid. "Na wala nang iistorbo?"

Sa likod ng babaeng nakapatong sa'kin, muli kong sinulyapan sina Anselm at Mirev na may kani-kaniya pa ring pinagtuunan.

"Not entirely sure," sagot ni Mirev. "That's why I called my brother to investigate with us."

Umibabaw ang aking ilong sa mga preskong sugat sa leeg ng maid. Isang nagtitimping daing ang bumulong sa aking tenga nang halikan ko ito, at mahina itong sinipsip gamit lamang ang mga labi ko.

Inouen's good at hearing voices behind the walls, naalala ko. Siya ang dakilang pakialamero ng palasyo. Magaling 'yong humagip ng mga bulong-bulungan, pati na nga mga tahimik na usapan ay walang ligtas sa pagiging mausyoso niya.

"Nice," puna ko bago sakupin ang mga labi ng maid na kanina pa nagpapadama, nagpapapansin.

Sa kalagitnaan ng halik, malalim akong napaungol nang dumiin ang kanyang bigat sa harapan ng aking balakang, nanunugon ang katawan na sagutin ko ang pagnanasa nito.

Umurong ako pakawala mula sa mga labi ng maid nang biglang may pumasok na katanungan sa isip ko. "Gaano ba katotoo na pinakamasarap ang dugo ng mate mo?" At muli akong nakipaghalikan sa kanya.

"With all the women you have slept with, Haste, I don't think you'll be able to taste the difference," nababagot na sagot ni Anselm.

Namuo ang isang maliit na ngiti sa aking labi, pero agad din itong nabura nang makarinig kami ng mga katok.

The Blood MaidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon