Chapter 17 | Court of Lords

3.7K 226 69
                                    

Elaire's POV

Hindi pa sumisikat ang araw nang makarating ako sa Sapphire Hall. Walang umiihip na hangin pero malamig ang mga pasilyong dinaanan ko patungo sa kwarto ni Prince Mirev. Dalawang sundalo ang nakita kong naka-station sa magkabilang gilid ng malalaking pinto nito. They wore the same uniforms as the other knights but a different color— black. Bitbit ng isa ang isang shield at espada, habang 'yong isa naman ay mayroong mahabang sibat na nakatukod sa tabi nito. They were the Prince's nightwatch, at pinalitan ko sila dahil mag-mamadaling araw na.

Hindi ko napansin ang paglipas ng mga minuto habang matuwid akong nakatayo sa tabi ng pinto, ibig sabihin, nasasanay na ako sa gawain kong ito bilang heir's guard. Sometimes it is boring but boring means there's nothing bad happening, kaya hindi kareklamo-reklamo ang gawain kong ito.

Lumilitaw ang liwanag ng umaga nang bumukas ang pinto at lumabas si Gideon na maraming dalang mga libro at papel. Ilang sandali pa'y lumabas din ang prinsipe kasama ang dalawang katulong na abala sa pag-aayos ng kasuotan niyang ngayon ko lang nakita.

"Good morning, Elaire," kalmado niyang bati nang lagpasan ako at ilang segundo akong hindi nakagalaw, dahil buong akala ko dati na wala nang mas ikahahalina ang kanyang buong hitsura.

But I was wrong.

Dali-dali akong sumunod sa kanya.

The prince looked like a general in his royal attire— dark blue garments tailored to perfection. Both his tunic and trousers shimmered faintly in the light— pero hindi na nito kailangan pang lumiwanag nang todo upang ipaalam ang magandang kalidad nito. Maingat ang pagkahabi ng kanyang uniporme, at kumikislap ang mga pilak nitong detalye— ang maliliit na burda at ang nakakadenang mga butones sa lawak ng kanyang harapan.

Biglang huminto ang prinsipe. Sinamantala ng isang katulong ang sandaling ito at agad tumingkayad upang ipasuot sa kanya ang isang magarang sash kung saan naka-pin ang iilang gintong medalya.

Prince Mirev turned around, locking his gaze upon mine.

Mabilis na tumikom ang aking bibig nang namalayan kong nakaawang pala ito.

"I forgot my favorite pen," the prince casually said, as if he wasn't bathed in wealth and power in front of me, to the point that I instinctively lowered my head— nanliit ako sa kanyang harapan— pakiramdam ko'y ang tumingala sa kanya ay humangad ng hindi nakakamtan.

Nilagpasan niya ako pabalik sa kanyang kwarto. Napabuga ako ng hangin bago muling sumunod sa kanya.

This wasn't the first time that the prince forgot something while on the way to his study. Sapagkat sa ikalawang pagkakataon, nakalimutan na naman daw niya ang binigay ni Gideon na agenda.

He came out of his room carrying a sheet of paper and when he stopped in the middle of the hallway for the third time, I tried to hide a chuckle.

"Your forgot something, Your Highness?" tanong ko.

"My cape," aniya at nagmamadaling bumalik sa kanyang kwarto.

He is nervous, puna ko habang hinihintay siyang lumabas, at hindi ko naiwasang makaramdam ng kakaibang gaan nang matantong pati ang mga bampirang katulad niya ay inaatake din pala minsan ng balisa.

Because later this morning will be the prince's first Court of Lords— a hearing, a gathering, among all the lords of the kingdom. Usually, 'yong hari at Lord Chancellor ang namumuno nito pero ngayon, sina Prince Mirev at Gideon na ang magpapatakbo sa isa sa pinakamahalagang korte ng kaharian.

May pinapamahalaan din namang mga korte 'yong prinsipe, pero minsan lang ang pagtitipon-tipon nito dahil maliliit lang ito kung ikukumpara sa mga korte na hawak ng hari. This is the first time that Prince Mirev will handle one of the king's courts— and not just any court— it is the most powerful, Court of Lords.

The Blood MaidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon