Chapter 42 | Risen

3.2K 193 73
                                    

Emnestra's POV

I woke up to the bed feeling colder, the room emptier. Nakatagilid ako kaya sa aking pagmulat, bumungad sa'kin ang bakante kong tabi. "Oceanus?" sambit ko, inasahang may boses na sasagot, pero wala akong narinig kaya napaupo na ako sa higaan. "Oceanus?"

Nalaman ko kung bakit mas malamig— dahil nakabukas 'yong bintana. Hinahawi ng hangin ng gabi ang kurtina— I paused. Gabi? Nagtataka akong umalis mula sa higaan at dumako sa bintana, at nakumpirmang gabi nga. The last time I woke up, dawn was still breaking.

Does this mean I slept the whole day?

The door opened. To my relief, it was Layza, one of my ladies-in-waiting.

"Have you seen Oceanus—" Bumaba ang aking mga mata sa sandaling bigla siyang bumagsak. "Layza?" Nagmamadali akong lumapit sa kanya, at nababahalang yumuko sa kanyang tabi. "Layza?"

"Y-Your Majesty," ang mga una niyang salita ay tila kanya ring huli nang pumikit siya sabay pilig ng kanyang ulo sa kamay kong dumapo sa kanyang mukha. Dumako-dako ang aking tingin sa kanya, naghahanap ng paliwanag kung anong nangyari.

Bumaba ang aking likod at tinapik-tapik ko ang nanlalamig niyang pisngi. "Layza!" pabulong kong sigaw. The longer she didn't respond, the faster my heart beated. "Layza!"

And when she did, open her eyes, it was only for a second. A slow bitter second, as she also parted her mouth to let blood run down to her jaw. Sa kanyang katahimikan, sa kanyang huling hininga, naintindihan ko na kung ano ang nangyayari— King Corion has made it known that I must not leave.

Dahan-dahan kong binitiwan si Layza habang pinipigilan ang sarili na maluha sa matinding hinayang. Bahagya akong lumingon sa nakasaradong pinto, dinadama ang mga presensya sa labas. There were two presence right outside, unmoving. Two guards, that I already have a feeling are not mine.

Tumayo ako, isang bampira ang iniisip. "Oceanus..." Upon finding out that they have taken all my weapons, dali-dali kong kinuha ang dagger na nakatago sa loob ng isa sa'king mga sapatos. Sinuot ko ang mga ito at isinapaw sa aking pangtulog ang isang blouse at riding trousers. Pagkatapos, muli akong luminga-linga sa kwarto, nag-iisip kung anong pwedeng gawin.

I can fight off the two guards but that will grab everyone's attention.

Dumako ako sa bintana at sinilip ang labas. The castle grounds were empty. Posibleng walang makakapansin sa'kin kapag tumakas ako mula rito— wait. Alam nilang nandito ako sa kwarto na ito. Ibig sabihin, posible ring alam na nila itong plano ko. It is, strange, that the grounds outside my room was empty.

Bumalik ako sa loob, sa gitna ng kwarto.

Oceanus. It was him that kept me determined to find my way out.

Tumango-tango ako sa naisip kong plano— kill one of the guards and ask the other where he is.

Mahigpit na nakahawak sa puluhan ng dagger, tahimik akong tumungo sa pinto, ni hindi muling sinusulyapan ang bangkay ni Layza, nang hindi ako manghina kahit kaunti. A clock ticked for every second I held the door handle. Pinatahan ko muna ang tumatakbo kong puso, at dahan-dahang tinuwid ang aking tindig, sabay tago ng dagger sa aking likod.

Mahinahon kong binuksan ang pinto at bahagyang sumilip sa labas. "Excuse me—" Two swords immediately pointed at me. Mula sa mga dulo nito, inilipat ko ang aking tingin sa dalawang kawal, at maingat akong humakbang palabas ng pinto para lang mapahakbang paatras nang lumapit ang dulo ng mga espada sa aking leeg, pinipigilan ako.

Itinaas ko ang isa kong kamay, senyas ng pagsuko. I took another step back to disappear from their sight. Hindi ako bumalik sa kwarto. Lumitaw ako sa likod ng isang kawal at sinipa ang likod ng kanyang tuhod. Sa kanyang paghilig pababa, hinablot ko ang kanyang buhok at sinaksak ang dagger sa kanyang leeg. Hinatak ko ito. Isang kislap ang aking nahagilap dahilan para mabitawan ko ang guwardiya at paikot kong iniwasan ang isang wasiwas ng espada sabay hagis ng dagger sa braso ng pangalawang kawal.

The Blood MaidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon