Chapter 35 | His Majesty

3.8K 267 149
                                    

Elaire's POV

I was able to take a proper bath and change into my uniform once I teleported back to my room. Lumabas ako ng aking kwarto at niyanig ang buong Hall of Secrets sa aking pagbalik. Napatigil lahat ng nakasalubong ko, ma-katulong man o sundalo. May ibang napasinghap habang may iba ring bumigat ang mga panga.

"Elle?!"

Narinig ko ang sigaw ni Chef Lam pagkatapos kong lagpasan ang cafeteria. Gabi na pagkalabas ko ng Hall at dumiretso ako sa King's Tower. Umakyat ako sa paikot na hagdan nito at tinahak ang pasilyo ng Sapphire Hall. The closer I got to the prince's private chambers, the more I noticed that something has changed. The air was colder than usual and my footsteps echoed louder.

It was darker. Gloomy. It felt as if his whole residence was secluded from the rest of the palace.

Nang huminto ako sa tapat ng kanyang kwarto, hinarangan ako ng dalawang nightwatch. Humakbang ako palapit sa pinto at humakbang sila pagitna.

"Let her in."

Nilingon ko si Gideon na siyang nagsalita. Bitbit niya ang isang libro at tinignan niya ako nang nakaangat ang noo, hindi sang-ayon sa walang anunsyo kong pagdating ngunit lubos na nagpapasalamat ang mga mata, na parang malaking kaginhawaan para sa kanya ang muli akong makita.

The two guards stepped aside.

"Thanks, Gideon," sabi ko bago pumasok.

I entered total darkness. Agad din akong napahinto sa aking unang hakbang dahil sa narinig kong bubog sa ilalim ng aking paa. Sumayad ang aking paningin at wala pa ring nahahagilap, pero ngayon alam ko nang nakakalat sa sahig ang mga basag at... ano pa ba?

At saka, ano bang nangyari dito? The air's the heaviest in here. It is suffocating.

Stepping on more glass, I walked until I bumped something— a broken chair. If I hit it from the side I would've gotten one of my legs impaled, dahil sa matulis na kahoy na kasulukuyan kong dinama-dama. I carefully walked around the ruined furnitures until I reached the balcony. Hinawakan ko ang dulo ng nakasarang kurtina at patulak itong hinawi.

Napapikit ako sa sinag ng buwan na dinaanan ako bago pumasok sa kwarto. Dahan-dahan akong dumilat at minasdan ang muling paggalaw ng kalangitan. The last time I looked at the night sky, I was stuck in a single moment. Now the moon glowed and the stars sparkled.

Pagkatapos, tinulak ko paawang ang panels ng balcony nang makapasok ang preskong hangin. The wind came in gentle, not rushing. It was as weak as the whisper that I soon heard.

"What the fuck are you doing, Gideon..."

Humarap ako sa kwarto niyang hindi lang dinaanan kundi pinatilihan din ng bagyo. Everything was broken. Even the fireplace. Aside from the mess on the floor, the walls were torn and some parts were cracked open. The only thing left standing was—

Napatigil ako nang lingunin ang kanyang higaan.

Nothing. Nothing was left standing because even his bed was broken. Fractured. Splintered. Madalang kong ipinihit ang aking mga paa patuon sa lalaking nakaupo habang nakaharap sa guhong ito, nakasandal sa pader, at nagtatago sa mga anino. The prince sat heavy, his elbows resting on top of his raised knees. Nakakapit sa isa't isa ang kanyang mga braso at sa likod nito, nakayuko ang kanyang ulo.

At first, I hesitated, hindi sigurado kung paano ko kukunin ang kanyang atensyon. My lips tasted bitter as I gently bit on it, thinking of what to say.

"Your Highness," I softly began, my voice barely above a whisper.

Mabuti nalang at hindi ko siya nagulat. Napatigil lang siya, bago dahan-dahang umangat ang kanyang ulo at nilingon niya ako, hindi matuloy-tuloy ang pagkisap ng mga mata dahil hindi makapaniwala. He seemed to be waking up from a deep lonely trance, his eyes clouded with—

The Blood MaidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon