Chapter 13 | Royal Palace

4.1K 218 128
                                    

Elaire's POV

Habang pinapasok nina Robin at Sion ang mga bagahe namin ni Misa sa karwahe, nakakapit sa aking binti si Sangie, humahagulgol ng iyak.

"Come now, Sangie, dear." Pilit siyang tinatanggal ni Evelyn. "Bitawan mo na si Ate Elle mo."

Bumitaw nga si Sangie pero lumipat naman ang mga braso nito sa beywang ni Misa na tuluyan na ngang naiyak. At dahil umiiyak silang dalawa, nagsimula na ring maluha si Evelyn.

"Elle!" sambit niya sabay yapos sa'kin. "Please don't leave!"

"We're not leaving, Evelyn," blangko kong sabi sa kanya habang niyuyugyog niya ako. "We're just moving. We can still visit."

Lumakas ang kanyang iyak. "But you're still leaving us!" Harap-harapan niyang hinawakan ang aking mga balikat. "Paano na kami?!"

Huminga ako nang malalim at pabagsak na bumuga ng hangin.

"Bitawan mo'ko, Sangie!" Nakasalalay ata ang buong buhay ni Misa sa pagbitaw ni Sangie. "Kailangan kong umalis!" taos-puso niyang utos. "Para sa atin din 'to..." Pero agad din siyang yumuko upang buhatin si Sangie. "Wah!" iyak niya. "Gusto kitang isama!"

Napatigil naman si Sangie nang marinig 'yon. "Mama!" Humilig siya kay Evelyn na napabitaw sa'kin. "Ayokong sumama sa kanila! Dito lang ako sa'tin!"

Pinagpag ni Sion ang kanyang magkabilang palad nang makarating sa harap namin. "All your things are inside the wagon." Isang namamaalam na ngiti ang namuo sa kanyang labi. "Have a safe journey, Elle."

Umikot ako kay Misa, Evelyn, at Sangie na nagyayakapan. Pagkatapos, tumingala ako sa attic kung saan ilang taon din kaming nanirahan ni Misa. Hindi maipagkakailang naging tunay nga namin itong tahanan, simula nang mapadpad kami rito.

Something formed in my throat. I didn't know what it was. Maybe it was grief... or gratitude... for the place that took us in when everything was falling apart. There was an undeniable heaviness in my chest as I silently bid goodbye at what had been our sanctuary for so long.

Bago pa man ako matangay ng samo't saring emosyon dahil sa pagbaha ng aking mga ala-ala, muli kong tinignan sina Misa. "Misa, it's time to go."

Tumango-tango siya at naunang pumunta sa karwahe, hindi lumilingon.

It's time go, Elle, I also told myself. Because for some reason, I was stuck. Namimigat ang aking mga paa at kahit anong gusto kong umalis na, nangibabaw pa rin ang kalahati sa'kin na ayaw gumalaw at tuluyang lumayo sa gusaling ilang taon kong tinawag na tahanan, at sa mga bampirang sumagip sa'min ni Misa at itinuring naming pamilya.

"Elaire," sambit ni Robin.

Kinisap-kisap ko ang namumuong luha sa aking mga mata. Ilang sandali kong kinolekta ang aking sarili at sa wakas ay nagawa na ring humakbang.

I was almost nearing the merchant's wagon when my feet gently stopped. Marahang humagishis ang lupang inapakan ko nang tumigil ako at umikot paharap sa pamilyang walang katumbas ang naitulong sa'kin.

"Thank you for everything," sabi ko sa kanilang lahat, at taimtim akong nagdasal na umabot sa kanila ang lalim ng pinanggalingan nito— dahil kanina pa ako naiiyak. Kanina ko pa gustong ibuhos sa kanila lahat ng nararamdaman ko.

Naninikip ang dibdib at nagpipigil ng hininga, sinikapan kong ngitian sina Evelyn na nanggigilid ang mga luha. "Salamat sa lahat," pag-uulit ko. "Babalik kami ni Misa para bumisita."

My own cries echoed in my head after I said it. "S-Salamat..." naluluha kong sabi kay Evelyn pagkatapos niyang ipaalam sa'kin na pwede kaming manirahan dito at magtrabaho para sa kanya. "Maraming salamat."

The Blood MaidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon