Chapter 33 | Letters

3.9K 272 345
                                    

Elaire's POV

Wala na akong makita. Wala na akong madama. I am definitely dead.

"Elle?"

Or so I thought, because a familiar voice of an old woman greeted me while I was surrounded by total darkness.

"Gising ka na ba?"

How would I know? I can't do anything. I can't open my eyes nor utter a single word. I can't even move a finger. So, how would I know? Kung nasaan ako? Kung buhay pa ba ako—

Dug dug.

"Huwag ka sanang kabahan, ah? Kung wala ka pang nakikita. Naka-bandage kasi 'yong buong katawan mo, pati na mga mata mo."

Dug dug.

"Pero sa tingin ko gising ka na." Maalalahanin siyang tumawa. "Ayan, oh. Nakakapagpigil ka na nga ng hininga..."

My heart was still beating. And I could still breathe in— and out— and in— and out... Ito lang ang tanging nagagawa ko. Ang humugot ng hangin at ibuga ito.

"Akala ko talaga no'ng una naligaw ka rito sa Echoing Forest at inatake ka ng lyrebirds. Pero no'ng suriin ko 'yong mga sugat mo... Kapag nakapagsalita ka na, sabihin mo sana sa'kin kung anong nangyari sa'yo, Elle, nakakapag-alala naman kasi."

Bumaha ang aking mga ala-ala ng gabing akala ko namatay na ako, at nagpaanod ako nito, naiirita sa sarili, at nagsisisi, dahil hindi ko inasahan ang pangyayaring 'yon. I was caught off guard— why did I even let myself get killed like that? And by a Lord? A noble? Hindi ito nakakapagtaka pero nakakainis pa rin.

"Natagpuan kita sa tabi ng lawa at dinala kita rito sa maliit kong kubo para gamutin. Hehe. Ngayon alam mo na kung saan ako nakatira."

I sighed. The woman talking to me was no other than Mama, 'yong may-ari ng bakery.

"Ah, oo nga pala. Simula nang dalhin kita rito, araw-araw mayroong uwak na naghuhulog ng rosas, do'n sa kung saan kita natagpuan." Narinig ko siyang may binunot. "May kasama pa ngang mga mensahe 'yong bulaklak, eh, at apat na araw ka nang nandito, kaya may apat na sulat ka rin galing kay H-R-H-P-M?"

Ilang sandali ko itong pinag-isipan.

His Royal Highness, Prince Mirev.

And I have been gone for four days...

"Ang sabi rito sa unang sulat— teka lang. Kunin ko muna 'yong mga salamin ko. English kasi."

Hinintay ko siyang bumalik at nang muli siyang nagparinig, "Ang sabi rito sa unang sulat—" Tumikhim siya. "Elaire, I know you are alive. I do not hear your voice from the birds. I do not know what happened to you, truly. I write this to you expecting a response."

Hindi niya ba nakita 'yong dami ng iniwan kong dugo? At sa tingin niya talaga makakasagot ako sa mga sulat niya?

"Tapos, yong pangalawang sulat, ang sabi— Elaire, I write this to you expecting a response. 'Yon lang. Hmm." I heard Mama's clothes rustle, na parang kumibit-balikat siya. "Inulit lang niya."

Pagkatapos, nagbukas na naman siya ng papel.

"Ang laman ng ikatlong sulat ay—" Umubo-ubo muna siya. "Elaire, you can be apart from me but you cannot cease to exist. I have consulted another spellcaster. We can break the bond right now." Sandaling natahimik si Mama dahil sa nabasa, bago nakapagpatuloy, "All it requires is for you to come back."

"Elle?!" Bigla siyang sumigaw. "May mate ka?! Itong si HRHPM?!"

Mabuti nalang at literal akong hindi makasagot. Hindi ko rin kasi alam kung anong isasagot ko sa kanya.

The Blood MaidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon