Chapter 45 | Mind Shields

3.1K 195 93
                                    

Elaire's POV

Pinaningkitan ko ang hari na kanina pa nakatitig sa'kin habang nakaupo sa likod ng kanyang mesa, kagat-kagat ang fountain pen na hawak niya. He mirrored my expression. Pinanliitan niya rin ako ng mga mata, at nang kumunot ang aking noo, gano'n din ang ginawa niya.

He's been staring at me. Simula nang maupo ako rito sa sulok ko sa kanyang opisina. I tried to ignore it. Binuhos ko ang lahat ng atensyon ko sa pag-aaral patungkol sa iba't ibang courts ng hari, pero sa huli, wala akong ibang nagawa kundi ibalik ang kanyang titig dahil karamdam-ramdam ang lalim nito na umaabot sa buto. Looking back at him scratched a mental itch. Kanina ko pa rin kasi gustong malaman kung anong ibig niya.

The king lowered his pen. At the same time, uncrossed his legs. "Gideon," sambit niya. "Cancel my afternoon court today." Umayos siya sa pagkakaupo. "I want to retire early."

Nakatayo sa harap ng isang estante si Gideon. Closing the book he was reading, he asked, "Whatever for, Sire? Are you not feeling well?"

"Mmm," the king replied, his brows raising for a split second. Hindi niya binalingan ng tingin si Gideon at tumuon sa mga dokumentong nakalatag sa kanyang mesa. "Definitely," kampante niyang sagot, walang pakialam sa pagsisinungaling.

Ako lang ba o kumapal 'yong mukha niya simula no'ng naging hari siya? tahimik kong hinala, at saka ako napatingin sa malayo dahil may ibang bampira akong naalala sa inasta niya— Kaelis.

Napabuntong-hininga ako, hindi sigurado kung kailan ko ulit siya makikita. Baka ngayong gabi pwede na akong bumalik sa arenas. Remembering that the king will retire early, that means my shift will end earlier, too. Way earlier, actually, considering that my work ends around midnight, the usual hours when the king goes to sleep. I have to get used to it— itong bagong schedule ko bilang king's guard na nagsisimula bago sumikat ang araw at nagtatapos sa hatinggabi. Minsan, lagpas pa nga.

Sinulyapan ko ang hari na nakakunot ang noo habang may kinukumparang mga papel.

As much as I wanted to complain, I couldn't.

Sa tuwing gusto kong magreklamo sa trabaho ko, tinitignan ko lang siya at agad napapawi ito. Nakakahawa naman kasi 'yong kasipagan niya. It is impressive, but at the same time, I am afraid that he's too diligent for his own good. Maybe that's why I am also feeling a bit relieved, ngayong sinabi niyang gusto niyang magpahinga.

Good for him for knowing what he wants and knowing how to say it. Kahit ang kapalit nito ay ang pagkadismaya ni Gideon na walang magawa kundi yumuko sa utos niya. "I shall inform the court of admirals," paalam nito bago umalis.

In the morning, the king has to face the court of lords and in the afternoon, he goes back to Twilight Hall, to attend the court of admirals. Maliban sa courts, he also has office duties, as well as granting audiences to anyone who requested to see him— nobles sa drawing room, at commoners sa throne room.

"Your Majesty," tawag ko nang hindi pa rin bumabalik si Gideon. "I believe it is time to go to the throne room."

Huminto siya sa pagbabasa at sandaling napatingin sa labas ng bintana. "Right," sang-ayon niya at napabuga ng hangin nang itulak niya ang kanyang sarili patayo mula sa upuan. Kinuha niya ang gintong koronang nakasabit sa sandalan nito at ipinatong ito sa kanyang ulo.

He's actually not allowed to remove it from his head, maliban nalang kapag mag-isa siya o nagpapahinga. The crown is a part of his identity now that he is the monarch, meaning that nobody must see him without it. Sa kabutihang palad, hinahayaan naman siya ni Gideon na tanggalin ito kapag kaming tatlo lang ang magkasama. Isinasabit niya ang korona sa kanyang upuan para kapag may biglang dumating na bisita, isang abot lang niya ito upang maisuot.

The Blood MaidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon