Chapter 12 | Spells

3.1K 175 7
                                    

Elaire's POV

Kumisap-kisap ako pagkatapos huminto sa tapat ng tavern.

That was fast.

Bumaba ako mula sa kabayong pinahiram ng grand duke sa'kin, manghang-mangha sa bilis nito dahil hindi pa sumisikat ang araw nang makarating ako.

Sandali kong sinulyapan ang dalawang sundalo ng grand duke bilang paalam at papasok na sana nang tawagin ako ng isa sa kanila.

"Excuse me, miss." One of the soldiers extended his hand that carried a blue pouch. "The grand duke asked me to give this to you."

Lumapit ako para kunin ito, at hinintay na umalis 'yong mga sundalo bago buksan.

Muntik kong nabitawan ang matingkad na supot nang makita ang laman nitong mga gintong barya at maliliit na dyamante. Kusang umawang ang aking bibig habang nakayuko rito, hindi makapaniwala.

"Elle?"

Dali-dali kong hinatak ang drawstring ng pouch sabay ikot paharap kay Evelyn na kalalabas lang ng tavern. May dala siyang walis na agad niyang itinaas at masayang sumigaw, "You're back!"

She gave me a tight hug and then asked for souvenirs. Fortunately, I remembered to stop by a shop in Asure before heading home. Pinasok ko sa bag 'yong supot at saka naglabas ng ocean-themed gifts para sa kanya at sa iba. Hindi ko alam kung anong pinakagusto niya kaya pinapili ko siya at kinuha niya mula sa kamay ko ang isang puting shell necklace.

"Thanks, Elle," masaya niyang sambit. "I'm sure you haven't slept yet so you can rest in the morning and start work in the afternon."

Ako na naman ang nagpasalamat kay Evelyn at saka pumasok sa tavern. Dumiretso ako sa attic kung saan nadatnan ko si Misa na nakatulog habang nag-aaral.

Hinubad ko ang suot kong kapa at isinabit ito sa likuran ng pinto. Inangat ko rin ang strap mula sa balikat ko at maingat na ibinaba ang aking bag sa higaan. Lumapit ako sa kinaroroonan ni Misa, sinisilip ang librong tinulugan niya.

"Misa..." mahina kong sambit. Hinawakan ko ang balikat niya at marahan siyang ginising. "Misa..."

Binitawan ko siya nang dahan-dahang umangat ang kanyang ulo. Nilingon niya ako, namimigat ang mga mata. "Ate Elle?"

"Go sleep on your bed," pabulong kong tugon. "Baka sumakit na naman 'yang likod mo."

Inaantok siyang tumayo at pataob na bumagsak sa kanyang higaan.

Wala sa sarili akong napangiti bago ayusin ang kalat sa kanyang mesa. Pagkatapos, nagbihis ako ng pangtulog at nagsuklay ng buhok.

Light was breaking through the sky when I finally closed my eyes.

"Ate Elle!"

Gano'n kaikli 'yong tulog ko.

Tumatalon-talon si Sangie sa higaan habang nagsisigaw. "Ate Elle! Ate Elle!"

Kumunot ang aking noo at napahilamos ako gamit ang aking palad bago buksan ang aking mga mata. "Sangie," tawag ko pabalik sa kanya. "Gising na ako."

"Yay!" Lumundag siya pababa sa sahig. "Thank you sa mga bato na chocolates, Ate Elle! Alam kong para sa'kin 'to!" He showed me the candy jar in his hand. "Bwahaha!" Tumakbo siya palabas ng attic taas-taas ito.

Umupo ako at tinignan ang bag kong nakabukas na. Nalaman kong magtatanghali pa kaya inilabas ko mula rito 'yong supot na ibinilin ng grand duke at binilang ang kabuuang halaga nito. Nagtabi rin ako ng mga barya na ibibigay ko kay Misa para may pambili siya ng mga bagong gamit.

"Ate Elle!" Hindi-makapaniwala si Misa nang tanggapin ito. "Pwede na akong magtayo ng tindahan nito!"

"Alam ko kung gaano kamahal 'yong textbooks mo," sabi ko. "At saka school supplies."

The Blood MaidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon