Chapter 02 | Academia

5K 191 40
                                    

Elaire's POV

Pinaningkitan ko ang dumi sa mesa na ayaw magpatinag sa matindi kong pagpupunas. Tinodo ko ang pagkiskis nito hanggang sa mapahinto ako dahil kumalat lang ito.

Great. Now the wood is stained.

Umagang-umaga at sinusubok na naman ako ng trabaho ko.

"Elaire!"

Nilingon ko si Evelyn na lumundag-lundag patungo sa'kin. May inabot siya na isang supot ng mga barya.

"Pupunta kayo ngayon ni Misa sa Lumien, 'di ba? Para sa entrance exams?" Nagpapa-cute niyang tanong, na ipinagtaka ko dahil alam niya namang susundin ko pa rin kung anong iuutos niya.

"Can you be a dear and stop by the market to order new tableware for the inn?" tugon niya. "May nag-away atang mag-asawa sa isa sa mga kwarto at nagbatuhan sila ng mga plato at baso."

"I heard them from my room, Mom." Dumaan si Sion, bitbit ang isang balde ng damo para sa mga kabayo. "They were definitely not fighting."

"Sion!" nagbabantang sambit ni Evelyn.

Nang makalabas si Sion, muling humarap si Evelyn sa'kin sabay buga ng hangin. "You know where I usually order them, right? Just give them the list I put inside the bag."

Tumango ako.

"Yay!" Para siyang si Sangie kung makatalon habang nakataas ang mga braso. "Thank you so much, Elle!" At masigla siyang tumungo sa kusina.

Walking towards the bar counter, I took off my apron and hung it on one of the hooks on the wall.

"Gising na ba si Misa?" tanong ni Robin habang nagpupunas ng mga baso.

"Mmm." I tied Evelyn's pouch on my belt, just beside my own coin pouch. Then I walked up the stairs, pass the inn and Evelyn's residence, and reached the door of the attic. Hindi ko pa nabuksan 'yong pinto nang marinig ko ang hindi mapakaling mga yabag ng paa.

I found Misa inside the room walking around frantically.

Binaba ko ang maitim na kapang nakasabit sa likuran ng pinto. "What's wrong?" tanong ko, habang sinusuot ito.

"Ate Elle!" bigla niyang sigaw. "Wala na ba akong nakalimutan?! Wala na, 'di ba?!"

I fastened the collar of the cape. "'Yong notes mo?"

Suminghap siya at kinapa-kapa ang loob ng shoulder bag niya. Natataranta niyang binuksan ito.

"Andito," she said, relieved.

"Pencils?" dagdag ko, at naglabas siya ng sampung lapis, tatlong eraser at dalawang sharpener.

I nodded. "Then you're ready."

Nagpipigil siyang tumili. "Ate Elle!"

Grabbing the brown robe from her bed and handing it to her, I gently assured her. "Everything's going to be fine, Misa. Ilang buwan mo itong pinaghandaan."

Nagpapadyak siya. "Ba't ba kasi ayaw mong pumasok sa Academia, ate? Ayaw mo bang maging classmates tayo? Mage ka rin kaya!"

Binigyan ko siya ng blangkong tingin. "I can barely pay your tuition."

Kinagat niya ang kanyang pang-ibabang labi at nanginig-nginig sa kaba. Tumakbo siya. Dalawang beses niya akong inikutan bago lumabas ng attic at tumitiling bumaba ng hagdan.

Pagkababa ko sa unang palapag, nadatnan ko sina Evelyn at Misa na magkahawak ang mga kamay.

"You can do it, Misa!" ani Evelyn, kumikinang sa paghanga ang mga mata. "Believe in the fire of your soul!"

The Blood MaidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon