Chapter 22 | Fueled

3.5K 240 60
                                    

Elaire's POV

'Mittere.'

Pinasabugan ko ang paanan ng lalaki. Tumilapon siya sa kabilang dako ng arena.

Sa gitna ng usok, umikot ako paluhod. Padausdos na pumihit ang aking tuhod sa lupa nang tumingala ako sa wasiwas ng isang espada sa ibabaw ng aking ulo. Nagawa akong sulyapan ng lalaking may hawak nito bago ko dinakip ang kanyang pulsuhan gamit ang nakakrus kong Sai swords.

Kasabay ng aking mabilis na pagtayo ay ang marahas na pag-angat ng kanyang braso dahilan na mabitawan niya ang kanyang espada. Ibinaba ko ang aking mga sandata at sinipa ang kanyang harapan kaya't matulin siyang lumipad sa pader ng arena.

Naramdaman ko ang pagbuo ng kapangyarihan sa aking likod. Yumuko nang kaunti ang aking isang binti at sa mabilis nitong pagtuwid, lumunsad ako pataas sa ere upang iwasan ang mana na sumabog sa aking dating kinatatayuan.

With both my arms spread apart, my body turned mid-air, headfirst, kaya bumaliktad din ang paningin ko sa mundo. Ngunit hindi ibig sabihin nito hindi ko na natunton ang lalaking huling umatake. Napaatras siya ng lagpasan ko siya ng tingin bago lumipat ang aking bigat sa mga paa kong unang nahulog sa lupa. At sa sandaling nakatukod na ako, agad kong hinagis ang aking espada sa kanyang dibdib. Hindi man tumagos ang dulo ng Sai sword sa kanyang katawan, inilipad naman nito ang kanyang likuran sa pader.

Bumukas ang aking palad sa binagsakan ng lalaki. "Venire," bigkas ko at lumipad ang espada pabalik sa aking kamay.

Narinig ko ang palakpakan ng mga manonood, karamiha'y napatayo.

Bumuntong-hininga ako nang mahinuhang kahit 'yong ingay nila ay hindi sapat para mapawi ang kakaibang nararamdaman ko simula nang hawakan ako ng prinsipe.

Fighting wasn't enough of a distraction, either. Dahil dito, nadidismaya akong umalis ng arena pagkatapos ianunsyo ang aking pagkapanalo.

Umaakyat ako ng hagdan-hagdanang upuan ng arena nang makarinig ako ng pamilyar na boses.

"And that is why I chose her as my replacement."

I turned to Prince Inouen walking towards me, his hand on another man's shoulder.

"You're supposed to be in Academia," sabi ko at muntik nang makalimutan ang— "Your Highness."

"Feyren's having a sleepover with her friends," the prince replied. "They didn't let me join them."

Ngumisi ang lalaking kasama ng prinsipe pagkatapos kong ilipat ang aking tingin sa kanya. The faint light within the arenas all gathered inside his light brown eyes, almost a shade of bronze, the same color as his messy hair. Mapilyo ang pagliit ng kanyang mga mata at pagkurba ng kanyang mga labi habang naiintrigang nakatuon sa'kin.

"Elle." Ibinaba ni Prince Inouen ang kamay nito mula sa balikat niya. "This is Lord Haste, Earl of Highbridge."

Sandali kong ibinaba ang aking ulo bilang senyas ng respeto.

"Nice to finally meet you, Elle," bati ni Lord Haste. "First thing's first, though, may kapatid ka ba?"

I blinked, once and empty.

"'Yong hindi sana kasinglamig mo," dugtong niya. "Nag-aagaw buhay na kasi 'yong ama ko sa Highbridge at saka lang daw siya magpapalagot ng hininga kapag may naiuwi na akong asawa."

Nagkasalubong ang aking kilay.

"Tatlong beses ko na siyang sinubukang patayin," he answered, to a question that I never asked. "Pero mas mahaba pa pala 'yong taning ng buhay niya kesa sa pasensya ko." Kumibit-balikat siya. "Perks of being a duke, I guess."

The Blood MaidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon