Chapter 28 | Bound

3.8K 230 105
                                    

Emnestra's POV

Pinihit-pihit ko sa aking kamay ang isang nalantang rosas habang nakamasid sa lawak ng aming kaharian. Maliwanag ang tanawing nakatumbad sa'kin dahil malinaw ang kalangitan sa itaas nito.

"Your Highness."

I turned to a stranger. A knight, according to his silver armor.

Dahan-dahan akong napaharap sa kanya. "And you are?"

Sandaling bumaba ang kanyang ulo at nang maiangat ito, sinalubong ko siya ng nangungusisang tingin.

"Your new heir's guard, Your Highness," sagot niya.

I've fought with a lot of soldiers while defending our borders, pero bakit hindi ko siya namumukhaan?

"I am—"

"Do not tell me your name," utos ko. "You're gonna die like the others, anyway."

Kumunot ang kanyang noo pero hindi naman ito gaanong nalukot, na para bang saglit lang siyang nagtaka. Nang tumuwid ang kanyang magkabilang kilay, sinulyapan niya ang rosas sa aking mga kamay kaya napatingin din ako rito.

"My condolences, Your Highness." Narinig kong sabi niya.

Just a week ago, mother died. Today's her funeral and this rose that I am holding is the last rose in her garden. Simula nang mawala siya, wala na ring nag-alaga ng hardin niya. I tried to save this last flower, but I couldn't. Huli na ako. Namimigat na ang tindig nito nang mahanap ko.

I was the first to leave her funeral. Hindi na rin ako sumama sa prosesyon para ihatid siya sa kanyang huling hantungan. Hindi kasi ako sigurado kung makakayanan ko ba ito. This kingdom that my mother died for must not see their heir weak and crying.

"Spare me your pity." Nginitian ko ang bagong heir's guard. "Hindi dapat ako kaawaan sa panahong 'to."

Dahil nasa kalagitnaan kami ng isang digmaang walang-tigil at walang hantungan. Hindi awa ang kailangan ko mula sa iba, kundi lakas, di bale nang—

"I've lost my father in the war, too." Binalikan niya ako ng ngiti. "Siya ang dahilan kung bakit naging sundalo ako." Hindi kagaya ko, hinayaan niyang dumapo ang lungkot sa kanyang mukha. "I suggest you mourn for the death of your mother, Your Highness. You are already burdened. Relieve at least a bit of it."

Matagal-tagal akong napatitig sa kanya.

"And I do not pity you, at all." Marahan niya akong tinawanan. "I will never."

Nanghinala ako sa kanyang sinabi. "Why?"

Sa pangalawang pagkakataon, sinulyapan niya ang rosas sa aking kamay.

"Because a flower does not grow when it is constantly trampled, Your Highness," sagot niya. "A flower grows when it is nurtured."

Mula sa bulaklak, inangat ko ang aking tingin sa kanya, at saka lang siya nakita.

Totoong nakita.

'Yong mata niyang malalim na asul, at buhok niyang kasingkulay ng hatinggabi. Hindi siya maputi pagka't may ginto ang ilalim ng kanyang balat na maraming beses nang hinalikan ng araw. He was as young as me I think, and I may have judged him too early.

Tanned. Hunter eyes. A slightly crooked nose and a strong jaw. Clearly, he has a lot of experience in the battlefield. Nagpapatibay din ng napagtanto ko ang napansin kong sariwang gasgas sa kanyang labi.

"Did you just come from the borders?" usisa ko.

Ilang sandali siyang nagtaka bago natatawang napahawak sa kanyang labi. "This?"

The Blood MaidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon