Chapter 36 | Her Majesty

3.5K 195 125
                                    

Emnestra's POV

"What are you doing here, Your Majesty?" Narinig ko ang paglapit ni Oceanus sa aking likod. "You will dirty your robes."

Dumako ang aking tingin sa sulok ng madilim na selda na palagi kong pinagtataguan, mula sa mga boses at mga multo. Habang tumatagal ang pagtitig ko rito, lumilinaw ang anyo ng isang batang babae na umiiyak at nagsisigaw, nanghihingi ng tulong— ako. Dahil pati 'yong sarili ko ay minumulto ako.

I gently held my wrist. Rubbing my pulse with my thumb, I remembered the first time I entered this cell. Wala si Mama noon dahil sinagot niya ang tawag ng digmaan. Naiwan akong mag-isa, at nang lumabas ako para sana'y makipaglaro, sinalubong ako ng amoy ng mga kandila at bango ng mga bulaklak sa kaparangang palagi naming pinagkikitaan ng kaibigan ko... pagka't burol niya ang naabutan ko.

Sienne, my playmate, my best friend. She was a noble who wanted to be a general, an admiral, but war was the enemy of hope. It was a stranger, a cruel manipulator. Umasa si Sienne na makakasunod siya sa apak ng kanyang ama na isa ring admiral. Pero hindi kumikilala ng edad at pangarap ang digmaan, kaya sa huli, hindi ito nangyari at sa kanilang dalawa ng kanyang ama, siya ang unang kinuha.

"How true is it?" mahina kong tanong. "That vampires live reincarnated lives?"

According to Sienne's mother, spies attacked their home looking to kill her admiral father. But her father had just left to go to the borders, to fight for the war against Ashina with my mom, the queen. Nagkataong si Sienne lang ang naiwan sa bahay nila nang pasukin ito, at ayon sa mga sugat niya, namatay siyang nanlaban.

"We will never know, Your Majesty." Tinabihan ako ni Oceanus. "Are you hoping that it is true?"

Isang malungkot na ngiti ang namuo sa aking labi. "Sana nga..." hiling ko at nilingon siya. "Oceanus, I want to end this war during my reign..."

So when the time comes that you will live again, Sienne, you can finally make your dreams come true.

"Do you think I can?" Humarap ako sa kanya. "End this war?"

Bahagyang nakababa ang ulo sa'kin, hinarap din ako ni Oceanus. "I will be with you 'till the end, Your Majesty," he said, not an answer, but a promise. A promise that no matter how this war will end, he will still be with me.

Umangat ang aking kamay upang hawakan ang kanyang mukha, at naghanap ang aking mga mata sa likod ng kanya, ng pag-asa, na nakita ko nga dahilan para mapangiti ako.

"Ikaw," bulong ko, pangako ko rin. "Sa bawat hantungan."

Ginantihan niya ako ng mas malambot na ngiti. "Ikaw lang," he whispered back. "Sa bawat buhay."

Nagpalitan kami ng marahang tawa nang ibaba ko ang aking kamay. Kasunod niyang inayos ang suot kong ceremonial robe, called a mantle— a red cloak with white fur over my shoulders.

"Why did you come here?" he asked, while straightening the furry lapel.

"Kasi ipapasira ko na ang silid na'to," sagot ko. "Ito na ang kahuli-huling beses na nandito ako."

Seemingly satisfied, Oceanus raised his arm and I gladly took it. Sabay kaming lumabas ng selda at di kalauna'y ng kulungan. Walking through the palace, on the way to the Ceremonial Hall, I found myself breathing in a new kind of air. Nilubos ko ang mga sandaling maluwag pa ang paghinga ko dahil alam kong mawawala na ito pagpasok ko ng hall.

"You look radiant, Your Majesty," puna ni Oceanus. "You are sparkling."

Dalawang kamay ang ikinabit ko sa kanyang braso. "Yeah, right." Tinawanan ko ang pagsagitsit ng aking palda sa sahig ng pasilyo. "My gown's already heavy. Idagdag mo pa 'yong mantle." Sandali akong napayuko sa suot ko. "As heavy as my responsibility as the new queen..."

The Blood MaidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon