VIRIDESCENT.
10:30 Nang umaga ng makalapag ang eroplanong sinakyan namin mula Canada pauwing Pilipinas.
Sa canada na ako lumaki kasama ang papa ko na si Don Gabriel El Farma. Minsan lang si papa na pumupunta ng Pinas dahil nag-aaral ako sa Canada ng secondary.
Dahil sa hindi maiwan-iwan ni papa ang Hacienda El Farma, akala ko ay magbabakasyon lang kami sa pinas pero mananatili na pala kami rito.Paglabas namin ng Airport ay may sumalubong kaagad sa amin na isang matangkad at morenong lalaki. Nagbigay galang muna ito sa papa ko bago binuhat isa-isa ang aming mga maleta.
Mabigat ang mga iyon pero parang papel lang ito kung buhatin nya, lumalabas tuloy ang kanyang mga ugat kapag binubuhat ang mga ito. He is plain and simple but his looks scream freshman.
I'm waiting for him to notice me, pero para akong hangin na hindi nya nakikita. Ang buo nyang atensyon ay nasa papa ko lang. Hindi naman sa nagdedemand ako ng attention but a sign of respect manlang sana knowing i'm existed.
"Kami, what are you waiting, come inside!?
Si papa, tinatawag nya na ako. Hindi ko namalayan na nakapasok na pala sya sa loob ng Montero na dala ng lalaki. Ipinilig ko ang ulo ko bago sinagot si papa.
"Wait lang po" Pasigaw na sabi ko para marinig nya.
Inabot ng lalaki ang maleta na hawak ko pero tinabig ko ang kamay nya, nakita ko ang pagkagulat nya sa ginawa ko pero tumaas lang ang gilid ng labi nya habang pinagmamasdan ako na hirap na hirap na buhatin ang maleta ko. Hindi ko naisip na mabigat pala talaga iyon.
"Kami!" tawag ulit ni papa.
Mula sa likod ko ay walang kaabog-abog na kinuha ng lalaki ang maleta sa kamay ko at ilang segundo lang ay nasa compartment na ito. Habang isinasara nya ang likod ng sasakyan ay inirapan ko sya at binuksan na ang pinto ng sasakyan.
"Doon ka na sa frontseat umupo anak" sabi ni papa.
Padabog ko na binuksan ang pinto ng front seat at nakita ko na nakaupo na ang lalaki sa driver's seat, sumakay na ako at sinadyang lakasan ang pagsara ng pinto.
"Kami..."
The tone papa used was sign of warning, kaya nagbehave na ako.
"Sorry pa, hindi ko sinasadya" Pagkukunwari ko.
Nilingon ko at nginitian si papa bago tinapunan ng tingin ang katabi ko.
"Your seatbelt" narinig ko na sabi nya.
Dahil badtrip ako ay kunyari hindi ko sya narinig at ibinaling ang mga mata sa labas ng sasakyan.
Ganito pala ang airport sa pilipinas?
May mga kararating lang galing sa iba't-ibang dako ng mundo, Iba't-ibang eksena ang makikita. Mayroong nag-iiyakan para ihatid ang kamag-anak para makipagsapalaran sa ibayong dagat at ng mabigyan ng kaginhawaan ang mga mahal sa buhay.
Meron rin na may mga tarpauline na hawak na may nakasulat na "WELCOME HOME" Ang sarap pagmasdan ng ganitong mga tagpo na nagpapatunay lang kung gaano kamahal ng mga pilipino ang kanilang mga pamilya.
Nawala ako panandalian dahil sa mga nakikita ko, napasinghap ako nang ibalik ko ang paningin mula sa labas ng bintana ay sakto naman ang pagdungaw ng isang mukha. Kunting-kunti nalang ay halos madidikit na ang labi ko sa pisngi nya.
"Your seatbelt" mahina nyang sabi at hinugot nya ito mula sa gilid ng inuupan ko. Ang malalim nyang boses ay sapat na para mahipnotismo ako ng ilang segundo.
Hindi pa rin kami nakausad dahil may isang filipina at isang foreigner ang nasa gitna ng daraanan namin.
Nagyayakapan at naghahalikan.Naka boots ng kulay puti ang filipinang babae at nakasuot ng itim na maikli na damit na hapit sa kanyang katawan.
Tagaktak rin ang make up nito at ang mga nagkikislapang mga alahas na halatang fake, sa sobrang init ng panahon ay ako ang nabibigatan sa outfit ni ate.
YOU ARE READING
MAKE ME A SLAVE: (COMPLETED)
RomanceWelcome to my fictional world, purelovers, where pure love exists. This story belongs to Mika Fable. Purely Fictional Writer of Purely Fictional Stories.