CHAPTER 34

97 1 0
                                    

AMNESIA

"Saan mo na naman ba dalhin itong Anak ko?" tanong ko kay Karen nang makita ko na binibihisan nya na naman si Ela.

"Doon sa plaza, diba pyesta ngayon kaya dalhin ko si Ella at bilhan ko sya ng mga laruan nya at mga tali nya sa buhok"

Tugon nya habang nilalagyan ng kung anu-ano ang buhok ng Anak ko, mabuti nalang at napakabait ng batang ito at hindi iyakin kaya madali lang bihisan ng Ninang nya.

"Hindi ka ba sasama sa amin?" tanong nya na nakatingin lang sa kanila ng aking Anak.

"Hindi na at maglalaba pa ako ng mga damit namin at marami nang nakatambak, wala ng maisusuot iyang hawak mo" natatawang sagot ko sa kanya.

"'Wag mo na ngang labhan gamit ang mga kamay mo ang mga damit nyo at baka mabinat ka. Itong anak mo ang asikasuhin mo at hindi iyang mga labahan nyo. Isasabay mo nalang ang mya iyan sa mga labahan ko bukas"

Mahabang litanya sa akin ni Karen sabay karga nya kay Ela palabas ng bahay.

"Hoy, Cameia. Sinasabi ko sayo at magbingi-bingihan ka na naman ay malilintikan ka na talaga sa akin" lingon nya ulit sa akin at binalaan na 'wag ko pakialamanan ang mga labahan namin.

Para lumayas na sya sa harapan ko ay pumayag na ako sa gusto nya.

"Ok na po, hindi na" natatawang sabi ko at bahagyang itinulak sya palabas ng bahay at ng makaalis na sila.

Sobrang swerte ko kay Karen dahil naging kaibigan ko sya at hindi nya ako pinabayaan...kami ng Anak ko. Kahit na wala akong maalala at hindi ko alam kung sino at saan ako galing, ang tanging naalala ko lang ay ang pangalan ko na Cameia at bukod doon ay wala na akong matandaan pa.

Nakita daw ako sa dalampasigan na sugatan ng Tatay ni Karen na mangingisda na walang malay at kaagad nila ako dinala sa bahay nila.

Since na malayo sa kabihasnan ang panguiranan pangalan ng baranggay nila ay hindi nila ako nadala sa Hospital kaagad at kakulangan din nila sa financial. Ginamot nalang nila ako sa paraang alam nila at sa kabutihang palad ay gumaling naman ako.

Ngunit sa paggising ko ay ito ako ngayon, walang maalala. Pangalan ko lang na syang ginagamit ko hanggang sa kasalukuyan.

Kahit anong pilit ko kung ano nga ba ang nangyari sa akin at kung saan ako galing ay nauuwi lang sa pananakit ng ulo kapag sinusubukan ko na hanapin sa aking alaala ang lahat, pero wala akong makita...wala akong maalala.

Hanggang sa naging kakilala ko na ang mga kapit-bahay ko.

Sa paglipas ng ilang buwan na pananatili ko kila Karen ay may napansin sa akin ang pamilya ni Karen, lumalaki daw ang tyan ko at para hindi sila mag-alala ay dinala nila ako sa center at napag-alaman nila na buntis ako.

"Wala ka bang maalala, Cameia, kung paano ka nabuntis?" tanong ni Karen.

"Indi man ina tama ang pag pamangkot mo, Nak" si Tatay Mario.

"Hay, ano man gali ang tama Tay kay ilog manlang sina bala" patulis ang nguso na sagot ni Karen.

Tumawa si Tatay Mario.

Hiligaynon ang salita sa Panguiranan pero iba-iba ang mga salita dito sa Probensya ng Masbate, depende sa kung nasaan ka na munisipyo.

Katulad ngayon na nasa Panguiranan Balud Masbate kami, ang salita nila dito ay Hiligaynon dahil nasa harap lang ito ng Roxas na malapit sa Aklan Boracay at ilo-ilo.

Nag-uusap ang mag-ama gamit ang lengwahe nila na Hiligaynon.

Hindi ko pa naintindihan pero paunti-unti kalaunan ay natuto na rin ako kaya hindi na nila ako maibenta rito sa lugar nila.

MAKE ME A SLAVE:  (COMPLETED)Where stories live. Discover now