CHAPTER 7

383 8 0
                                    

EARINGS.

Natanaw ko si Xan na pasakay sa kotse kaya mabilis ako na lumapit sa kanya, nagulat pa sya nang makita nya ako na humahangos sa harap nya.

"Kuya, saan ka pupunta?" tanong ko habang hinahabol ang hininga dahil sa hingal.

"Sa bayan" maikling sagot nya at binuksan na ang pinto ng kotse.

Lumigid ako at dumukwang sa kanya.

"Sama ako" napatingin nya sa akin na may kasamang pagtataka.

"Please?" pinagsalikop ko pa ang palad ko para payagan nya.

Pero hindi ko na hinintay ang sagot nya at mabilis na binuksan ang kabilang pinto at sumakay.

Pinapanood nya  lang ang  ginagawa ko sabay hagod nya ng aking suot.

"Sasama ka tapos ganyan ang suot mo?" sita nya sa suot ko na ang mga mata ay nasa unahan na ng sasakyan.

"Why? hindi naman pangit ang suot ko a?" alma ko sa kanya.

Hinagod nya ulit ang suot ko. "Wala ako sinabing pangit ang suot mo" malamig na wika nya.

Because I wanted to be with him, I agreed to change my clothes at hindi na nakipagtigasan ng ulo sa kanya.


"Ok fine, magpapalit ako pero wag mo ako iwan a? Mag promise ka sa akin na hindi mo ako iiwan"

Kinuha ko ang kamay nya at pinagdikit ko ang aming thumbs, tanda na hindi nya ako iiwan at mabilis ako na pumasok ng mansyon para magbihis ng damit. Naka shorts lang kase ako at naka spaghetti strap. Sinuot ko ang itim na pants at whit t-shirt at nagmamadali na bumaba ng hagdan nang makasalubing ko si Nanay Zilda.

"Kami! Mag-ingat ka nga pagbaba ng hagdan at kulang nalang ay liparin mo?" saway nya sa akin.

Ngiti lang ang naging tugon ko sa kanya at nagmamadali na ako at baka iwan talaga ako, at mahirap na.

Halos mabunutan ako ng tinik sa dib-dib nang makapasok na ako sa loob ng kotse nya, pero hindi muna nya pinaandar at busy pa sya sa kanyang phone.

Sino kaya ang tinitext nito? tanong ko sa sarili ko.

Pagkatapos nyang magtxt ay lumingon sya sa akin at pinasadahan ulit ang suot ko kung ok na ba sa paningin nya, at nang pasado na yata sa panglasa nya ay binuhay na nya ang makina.

Wala kaming imikan habang nasa byahe, para kaming nagpapakiramdaman sa isa't-isa nang tumunog ang phone nya.

Syempre dahil likas sa akin ang pagiging pakialamera ay dumungaw ako sa phone nya kung sino ang nagtxt.

Don Gabriel:

Ok.

Galing kay Papa ang txt.

"Bakit ok ang reply ni Papa?" tanong ko sa kanya na seryuso sa pagmamaneho.

"Sinabi ko sa kanya na sumama ka sa akin para hindi mag-alala"

Napangiti ako. Ayaw nya talaga na nag-aalala si Papa.

Magandang senyales 'yan. Sumipsip ka pa para maging boto sya sayo para sa akin, para pagdumating na ang araw na magustuhan mo na ako ay hindi ka na mahirapan pa na paamuin si Papa.

Dumukwang ako ulit sa phone nya na nakalagay sa phone holder sa harap nya at ini-scroll-scroll pataas.

Hinayaan nya lang din ako na hinahawakan ko ang personal item nya.

Sa panahon ngayon ang mahirap na mahawakan na personal things ng tao ay ang cellphone. Andito na kase lahat sa cellphone ang lahat ng kailangan mo.

Katulad ng driver na kasama ko ngayon. Nilingon ko sya na ang mga mata ay nasa kalsada. Dahil naka side view sya sa akin kaya mas nadepina ang tangos ng kanyang ilong. Manipis lang ang labi nya at moreno ang kanyang balat.

MAKE ME A SLAVE:  (COMPLETED)Where stories live. Discover now