CHICKEN ADOBO.
"Kim o?"
Tanong ng babae na ang mga mata ay nakatuon parin sa akin, mabilis ko na hinila ang kamay ko na hawak pa rin ni sir Furkan.
Sumulyap si sir Furkan sa akin habang ang batang maliit ay nangunguyapit sa likod nya.
"New waitress" he said in a very low tone.
Tumaas ang isang kilay ng babae at dumiritso sa sofa na nasa gilid. Samantala ang batang babae ay nagpakarga na sa kanya. I didn't realize that he already has a family and they even saw us and his child holding my hand.
I don't want to get involved in their lives so I need to exit right now.Nagpaalam na ako na lalabas na at dinaanan ko ang sapatos ko na binato nya kanina. Ganoon lang, pag walang silbi ang isang bagay sa tao ay mabilis lang ito itapon
Katulad ko. Noong magkasala ako sa Pilipinas ay mabilis lang ako na ipinatapon ni Papa sa Canada. At ganoon din si Xan, mabilis nya rin ako binitawan pagkatapos nyang makuha ang virginity ko.
Sumikdo ang dibdib ko sa katotohanang ikinukumpara ko na ngayon ang sarili ko sa isang bagay na wala ng halaga.
Well, sad truth.
Napatingin ako sa aking sapatos at tumawa ng mapakla.
Sayang kung hindi ko kukunin. Lagyan ko nalang ng mighty bond para may magamit pa ako bukas. At bakit kase pinagdiskitahan nya ang sapatos ko gayong natapilok lang naman ako kanina? Hindi kasalanan ng aking sapatos ang katangahan ko, sana naisip nya rin iyon.
Pero parang wala naman syang isip at ang iksi rin ng pasensya. Nakita ko sa sulok ng aking mga mata na sinusundan nila ang galaw ko.
"Are you going out barefoot?" napatigil ako sa paghakbang palabas ng kanyang office at yumuko para makita ang mga paa ko na walang sapin.
Binitawan nya ang bata at dumukwang sya sa ilalim ng kanyang mesa at kinuha ang kanyang black microfiber sandalas at inilagay sa paanan ng mga paa ko.
Napatingin ako sa gawi ng asawa ni sir na hindi na maipinta ang mukha.
"No need sir, i can walk like this" sabi ko pero lumuhod sya sa harap ko habang bitbit ko ang sirang pares kong sapatos at hinawakan ang isa kong paa at iniangat nya para ipasuot sa akin ang sandals nya pero mabilis ako na umatras. "Sir no need...pretty girls walk like this"
"Pretty girls walk like that? Barefoot?" Oo naman at ano ang gusto mong palabasin? Harap-harapan sa asawa mo at parang nakikipagflirt ka na sa akin, sir. "What does your beautiful face have to do with your beautiful feet, ha? Can you explain to me"
Natahimik ako kaya sinamantala nya iyon para isuksok ang sandals nya sa mga paa ko.
Baka nakakalimutan nya yata na andito ang mga mag-iina nya at pinapanood kami sa drama namin ngayon.
"Thanks, sir. I have to go" sabi ko nalang at mabilis na tinalikuran sila.
Paglabas ko sa office ni sir Furkan ay sinalubong kaagad ako ni Yasimin at dinala sa locker room namin.
"Iyi misin?" nag-aalala na tanong nyo sa akin.
"Evet, problem yok" nilangkapan ko ng fake na tawa ang boses ko dahil nahihimigan ko ang pag-aalala nya.
"Kiz, alam mo ba na si sir Furkan pa ang humingi ng sorry kanina sa customer na accident mong natapunan ng food?"
"Really?" napatutop ako sa bibig ko dahil sa kamalasan ko, parang tama yata ang sinabi nya na ako ang magdadala ng damage sa negosyo nya.
YOU ARE READING
MAKE ME A SLAVE: (COMPLETED)
RomansaWelcome to my fictional world, purelovers, where pure love exists. This story belongs to Mika Fable. Purely Fictional Writer of Purely Fictional Stories.