CHAPTER 23

330 6 0
                                    

BOYFRIEND.

Along with the pouring of heavy rain is the pouring of my tears.

Pour more rain and drown the weight of my emotions.It's too heavy which i can hardly bear anymore.
Blow me away, drown me, I don't want to pretend that I'm floating but the truth is that I'm almost sinking.

Baha na sa luha ang mga mata kong basa. Yes, you are right sir Furkan. I am weak, very.....very weak.

Hindi kita masisi kung iyon ang nakikita mo sa akin ngayon dahil kung iisipin lang ng malalim at bakit ako aalis ng Pilipinas kung hindi ako mahina?

Mahina ako at iyon ang hindi ko matanggap, takot ako na harapin ang mga problema ko dahil ako lang ang mag-isa. Walang may naniniwala sa akin, kahit na si Papa ay hindi rin ako pinaniniwalaan na he thinks of me as a big failure for many reasons.

And very painful for me, because the person who knows me is the person who doesn't know me deeply.

Can you imagine that?

Parang ang pagmamahal ko kay Xan.

Mahal ko sya...pero ako lang ang nagmamahal sa aming dalawa.

Sinagasa ko ang matinding buhos ng ulan. Madilim ang paligid, malakas ang hangin at mataas na ang baha. Mula sa nanlalabo kong paningin ay nakita ko ang isang matandang babae na tatawid sa maatas na baha. Lalapitan ko sana sya pero biglang nawala, pero ang nakakapanindig ng aking mga balahibo ay dahil pamilyar sya sa akin.

Saan ko nga ba sya huling nakita? Hindi ko na matandaan.

May mga iilang sasakyan na kahit mataas ang tubig ay nagti-take pa rin ng risk para makatawid. May mga sasakyan rin na tumitirik.

Habang nakatayo ako sa gutter at nililipad ng malakas na hangin ang mahaba kong buhok ay hindi ko maiwasan kung ilang sakuna pa ba ang dadanasin ko para humupa na ng tuluyan ang mata ng bagyo sa buhay ko?

Bakit ako palagi ang puntirya?

Bakit ba ganito magparusa ang langit? Ano ang kasalanan ko? Nagmahal lang ako kay Xan at nagtiwala sa mga kaibigan? Kung alam ko lang...kung alam ko lang na ganito ang magiging kaparusahan ay sana hiniling ko nalang na manatili sa bahay-ampunan at hindi nalang nagpa-ampon kay Papa.

At sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon? Ay mas nadepina na ang hirap-hirap pala maging tao sa mundong ito.

Sana naging Alien nalang ako at nakisanib pwersa sa mga humanoids na naninirahan ng tahimik sa Boazania habang sinasakop ang mga kupal na nakatira sa Earthero. Tapos, ang unang kukunin ko ay ang boss ko na pinahiya ako at pangalawa ay ang malanding si Joana na baka nag-i-enjoy na ngayon na kasama si Xan.

Nasolo na nila ng isa't-isa dahil sila naman talaga ang totoong bida sa kanilang pag-iibigan at tapos ako...ay extra.

Paggising ko ay sobrang bigat ng katawan ko at nanginginig pa ako sa sobrang lamig. Sira din kase ang hater ng apartment ko kaya kailangan ko magtiis at manipis lang din ang kumot ko.

Nagising ako ng bandang hapon na at wala akong balak na pumasok sa trabaho at hindi na rin ako papasok doon.

Sa ginawa ko sa boss namin ay sigurado na ayaw na ako na maging impleyado nya. Sya rin naman ang may kasalanan in the first place.

Pag ok na ang pakiramdam ko ay maghahanap ako ulit ng mapapasukan.

Bakit sya lang ba ang may resturant sa buong Turkiye?

Baka may maawa ulit sa akin para tanggapin ako sa trabaho. Basta, gagalingan ko na para hindi ako magkaroon ng problema.

Basta lang din ang magiging boss ko ay hindi katulad ni sir Furkan na kung ano-ano ang mga pinagsasabi. Binasted lang ay panay insulto na sa akin.

MAKE ME A SLAVE:  (COMPLETED)Where stories live. Discover now