CHAPTER 27

353 7 0
                                    

KAMMEE EL FARMA.

Mula sa kusina ng bahay kubo namin ay narinig ko ang halos walang  ugong ng sasakyan. Sinilip ko ang mga dumating sa maliit na siwang ng kusina na gawa pa sa kawayan.

Walang usok ang muffler ng kotse, palatandaan na mamahalin ito at hindi basta-basta na katulad ng taong nasa harap ko na ngayon.

This is not the first time we meet. Maybe what i can say is that, this is the first time we have met since he found out that i'm his son.

Kase kung ako lang talaga ay hindi ko na gusto na malaman nya na Anak nya ako, kase kuntento na ako sa buhay ko na meron ako kasama si Nanay Zilda. Parang hindi sya kakulangan sa pagkatao ko dahil for me Mommy and Nanay are enough.

Buo na ako...sa madaling salita.

"Xan, Anak" sabi nya sabay yakap sa akin ng mahigpit habang karga ko ang batang natutulog sa aking balikat.

"I love you my son" while he hugging me tightly.

Nang marinig ko ang mga salitang mahal ako ng Daddy ko ay akala ko ayos na sa akin na wala sya. Akala ko ay buo na ako na si Mommy at Nanay lang ang kasama ko. Pero nang marinig ko iyon ay saka lang ako natauhan na hindi kayang buohin ng isang Ina ang kakulangan ng isan Ama. Katulad kung paano ako nabuo. Hindi ako mabubuo at hindi ako maipapanganak kung wala ang Daddy ko.

Gusto kong umiyak pero pinigilan ko kase malaki na ako e. Dapat hindi na ako umiiyak kase parang hindi naman ako lalaki kung iiyak ako sa harap nya at baka isipin nya na may Anak syang lampa.

Ayaw ko na ganoon ang unang tingin nya sa akin. Pero ganoon pa man ay may bahagi sa puso ko ang masaya na finally, may tumatawag na sa akin na Anak at may tinatawag na ako na Daddy at hindi nalang sa dyaryo o magazine na nakikita ko.

"Xan, akin na muna si Kami" sabi ni Nanay Zilda pero hindi ko ibinigay at dito lang napansin ni Daddy na may karga-karga akong bata.

Nagtataka syang napatingin kay Nanay pero hindi ito nagsalita dahil nakatingin ako sa kanya.

"Who's the baby girl, my son?" nagtatakang tanong nya habang pinagmamasdan si Kami na cute na cute na natutulog sa balikat ko.

Hindi ko sya sinagot pero kalaunan ay ngumiti rin si Daddy at kinumbinsi ako na sumama sa kanya pero hindi ako pumayag.

Pagkatapos nya akong pritohin noon sa contest ng pagpipinta at sa harap ng maraming tao ay mag babait-baitan na sya sa akin dahil nalaman nya na Anak nya ako?

Sorry Daddy but it's a no for me.

Saan na iyong Anak nya? At bakit andito sya sa akin at pilit akong kinukuha?

As if naman na sasama ako.

Pinaupo kami ni Nanay sa upuang kawayan sa harap ng mga halaman na tanim ni Mommy habang nagluluto sya ng tanghalian namin.

Tulog na si Kami at nasa higaan na nya nang mapag-isa kami ni Daddy. Kapag tinitingnan ko sya ay para akong nanalamin sa kanya.

"Balita ko ay mahilig ka daw sa mga animals" umpisa nya ng usapan namin.

Napatingin ako sa mga alaga kong mga manok.

Sinundan nyang aking mga mata at ngumiti sya pagkakita nya sa mga alaga ko.

"Manang-mana ka talaga sa Daddy Anak, mahilig rin ako mag-alaga ng mga hayop. Marami akong alaga doon sa sa hacienda natin at pili ka lang kung ano ang aalagaan mo. Kabayo, baka, kambing o mga kalabaw. Pili ka lang sa mga gusto mo" pagbibida nya sa mga hayop nya.

Mukhang nakaka ingganyo ang mga sinasabi nya pero paano na ang mga manok ko? Malungkot ko na sinulyapan ang aking mga alaga.

"Of course, isasama natin ang mga alaga mong mga manok. Hindi natin pwede na iiwan dito" biglang nagliwanag ang aking mga mata sa sinabi ni Daddy.

MAKE ME A SLAVE:  (COMPLETED)Where stories live. Discover now