CHAPTER 25

339 4 2
                                    

PHILIPPINES.

Natanggap ako bilang secretary ng garments factory, sobrang saya ko, kase diba? At least, new work new life.

Nag start from zero ako ulit at malayo na ako sa Ankara para tuluyan na mawala ang ugnayan ko kay sir Furkan.

Nang ok na ang istado ko sa trabaho at nagpatuloy ako sa pag-aaral ng college sa gabi. Sa gabi lang kase, at may trabaho ako sa umaga. Imagine, ang dami kong natutunan sa buhay nang mapalayo ako kila Papa at Xan.

Hindi naging madali ang pakikibaka ko.

Ganito pala ang buhay ng mga ordinaryong tao, sobrang layo sa naging buhay ko noon sa Pilipinas at Canada. At sa bawat kabanata ng buhay ko ay marami akong nakukuhang aral na pwede kong gamitin sa susunod na kabanata ng aking kwento.

Umabot ako ng tatlong taon sa turkiye, nakapag-aral ako ng hanggang third year college sa isang simpleng university doon bago ko maisipan na what if sa Pilipinas nalang ako mag-aral ulit? Total malapit na ako mag graduate at siguro ay hindi na maisip nila Papa at Xan na nasa Pinas na ako dahil tatlong taon na ang nakaraan.

Iba rin kase ang buhay sa Abroad at sa Pilipinas.

Kaya kung matyaga ka at hindi ka masyadong maambisyon ay piliin mo nalang ang Pilipinas kase sabi nga sa dating slogan ng Pilipinas.

'It's More Fun In The Philippines, kaya, Love Philippines'

Kapag nagkasakit ka ay wala kang karamay at ikaw lang mag-isa, at dapat pag pumunta ka ng ibang bansa ay isipin mo na kaagad ang mga posible worsts na mangyayari sayo para mentally ready ka.

Expect the unexpected.

Kase sa Abroad ay hindi katulad ng Pilipinas na pwede ka manghingi ng asin sa kapit-bahay. Dito ang asin ay sa grocery store mo pa mismo bibilhin.

And that time ay wala pa rin akong phone, sinikap ko na iwasan ang kahit na anong mga devices na makakapag-access sa kung saan man ako sa kasalukuyan o kung saan man ako mapadpad.

Dahil takot pa talaga ako na matunton ni Papa.

Alam ko ang power ni Papa when it comes to connection, kaya iniisip ko talaga hanggang ngayon na hindi nila ako hinanap. At iyon ang nakatatak sa akin...hindi nila ako hinanap.

Pero wala ako sa position para masaktan ang damdamin kung tuluyan na akong pinabayaan ni Papa, dahil ako naman talaga ang kusang umalis sa kanyang poder dahil takot akong harapin ang problema na nagawa ko.

Siguro dahil napaka immature ko pa noon at kumpara sa edad ko ngayon na hinubog na ng karanasan ay ang maisip ang kahapon ay nakakangilo.

Habang nasa Turkiye ako ay pilit kong binalikan sa aking ala-ala ang gabi ng birthday party ni Lance.

Nag-iinuman lang naman ang lahat na andoon kasama ako, syempre. Tagay here and there lang naman ang ginawa ko at inalala kung sino ang kumuha ng video sa akin.

Pero sumakit nalang ang ulo ko sa kakaisip pero wala talaga akong maalala or ma-identify manlang na mga posible individual kase halos lahat ng andoon ay may hawak na phone habang nag-iinuman at nagsasayawan.

Kahit anong gawin ko ay wala akong maalala at hinayaan na ang pangyayari at pili na ibinabaon ko nalang sa aking ala-ala na baka...one day ay ang nangyari noon ay pagtatawanan ko nalang.

Mas nag focus ako sa kakaisip kay Papa kung bakit pinabayaan nya na ako at hindi na hinanap pa?

Kase napaka imposible na hindi nila ako natunton. Kilala ko si Papa. Kaya nyang gawing posible ang imposible.

MAKE ME A SLAVE:  (COMPLETED)Where stories live. Discover now