FURKAN BEY.
I was unable to speak because of the suddenness of the events. He took my wounded hand and placed it on his leg, at nagsalita na abutan sya ng first aid kit. Mabilis naman na tumalima ang isa sa mga staffs ng restuarant.
Nakatingin lang ako sa mukha nya habang ginagamot nya ako. Walang may nagsasalita sa aming dalawa at ang tanging nagsisilbing ingay ay ang mga kaluskos ng mga staff at hissed ng mga niluluto at kalansing ng mga babasaging plato at pinggan.
Dumako ang mga mata ko sa isang staff na lalaki na nililinisan na ang bahagi ng sahig na kung saan nagkalat ang bubog ng nabasag ko na plato.
Napangiwi ako ng may maramdaman ko na may maliit na bumaan sa aking daliri kaya nahila ko ang kamay ko.
"Don't move and there is a buried small object" sabi nya pa.
Kaya kahit na masakit ay tiniis ko na hindi igalaw ang kamay ko na hawak nya at laking ginhawa sa pakiramadam ko na nabunot nya iyon kaya...nag thank you ako sa kanya.
"Tessekurler" sabi ko after nya gamutin.
"Rica ederim" at tumalikod na sya.
Sinundan ko ng tingin ang likod nya hanggang sa mawala na sya sa paningin ko, at sya namang pagdating ni Yasimin na may makahulugang mga ngiti sa akin.
"Kiz, ikaw na talaga, imagine si Furkan bey pa ang gumamot sayo?"
Nagtatakang tumaas ang kilay ko sa kanya. "Eh, kim o?" tanong ko.
"Alah, alah. Furkan bey, sya ang may-ari ng restuarant na'to"
Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko iyon mula kay Yasimin na malaki na ang ngisi ngayon sa akin dahil batid nya ang pagsampal ko sa lalaki kanina.
"Yasimin, paano na'to baka tanggalin nya ako sa trabaho dahil nakabasag kaagad ako" nag-aalalang sabi ko.
"At sinampal mo pa sya" sabay halakhak nya.
"Anong gagawin ko ngayon?" halos paiyak na ako. "Baka sisantehin nya ako, Yas" naku at sa lansangan talaga ako maninirahan nito.
"Evet, hayir. Mabait naman sya at sabi nga nya ay aalalayan daw kita kaya ako napapunta dito, may naumpisahan ka na ba?" tanong nya sa akin at tiningnan ang mga hugasin ko.
"Yok" nahihiyang sagot ko sa kanya.
"Tamam, kiz. Tutulungan kita sa paghuhugas, pagod na rin kase ang mga bibig ko sa kakangisi sa mga customer" natawa ako sa sinabi nya.
"Thank you" mahinang sabi ko na nakangiti na sa kanya.
Nagtataka si Yasimin sa akin bakit hindi daw ako marunong maghugas ng mga plato? Nag-imbento nalang ako ng ibang alibi.
Sinabi ko nalang na nasa culture ng Pilipinas na hindi pinapatrabaho ang mga teenager. Hindi ko alam kung naniwala sya."Cidi mizin?" syempre tumango ako "Parang gusto ko ma manirahan sa Pilipinas kung ganoon ang kultura nyo" hindi ko alam kung painsulto ang sabi nya o naniniwala talaga sya sa imbento ko?
At isa pa ay wala pa talaga akong lakas ng loob para magkwento kay Yasimin kung sino ba talaga ako? Because i have nothing but a penny creature who is trying to belongs in nature.
Nag-iingat pa ako ngayon dahil bago palang ako dito at ayaw ko naman na magtiwala kaagad sa mga tao. Knowing sa nangyari sa akin sa school. At dahil sa tiwala na akala ko ang lahat ng tao ay katulad ko, hindi ko naisip na iban ang iniisip nila sa iniisip ko kaya ito ako ngayon at nagpapakahirap dahil lang sa lubos akong nagtiwala sa mga taong nakapaligid sa akin.
YOU ARE READING
MAKE ME A SLAVE: (COMPLETED)
RomanceLumaki sa Canada si Kammee. 16 years old sya ng bumalik sa Pilipinas. Ma-i-encounter nya ang arogante, misteryoso at masungit na si Xan...ang family driver nila. Sa lumilipas na araw nya sa hacienda ay madalas nyang makasalamuha ang driver, ngunit...