FOUR SEASONS.
The day I saw Kammee I could hardly believe that I found her here in Masbate.
Sa dami ba namang lugar na pwede sya padparin ay dito pa talaga sya sa kung saan ang project ng rec.
Maybe because we were really destined for each other. Especially when I touched my Daughter, the feeling was different.
Kahit na wala akong idea na Anak ko si Ela ay inako ko sya na Anak ko nang malaman ko na walang Ama ang bata. Hindi ko alam kung ano ang nangyari kay Cameia, pero ang alam ko lang ay kahit ano pa ang nangyari sa kanya noong mga panahon na wala sya ay aakuin ko pa rin ang bata.
Wala naman sa dugo para matawag mo sya na Anak at mahilig rin talaga ako umampon ng hindi ko kaano-ano. Ang Anak pa kaya ng babaeng pinakamamahal ko?
Pero may bahagi sa aking puso o tinatawag na lukso ng dugo na Anak ko sya pero sa kawalang idea kung paano ko sya naging Anak ay hindi ko na inisip ang bagay na iyon.
Tatanggapin ko pa rin sya kahit sino ang kanyang Ama dahil Anak sya ni Cameia kaya magiging Anak ko na rin sya.
Habang nasa hospital kami ay sinabi ko kay Karen ang lahat-lahat ng tungkol kay Kammee para magkaroon sya ng idea at sya rin ang magiging mga mata at daan ko na makalapit kay Kami.
Kase kung hindi ko sasabihin ng maaga ang lahat ay baka hindi ako makalapit, kaya noong nagtanong ang doctor ng medical history nya ay ako na sumagot at nag match naman ang findings nila sa mga sinasabi ko at lumiwanag ang mukha ni Karen sa mga naririnig nya mula sa akin
"Kung ganoon ay naglayas sya sa inyo at limang taon na ang nakaraan? Pero dalawang taon palang sya sa amin at si Ela ay mahigit isang taon palang at hindi pa nga nabinyagan kase ayaw pa ni Cameia at hihintayin nya na maka alala sya"
Pabor sa akin na hindi pa napabinyagan ang bata para dalhin ang apelyido ko na Recuerda.
I was talking to her while we were at the door of Kammee's ward. She couldn't believe it either but I convinced her eventually.
Kung ganoon na dalawang taon palang pala sya ay saan sya galing? Halos hindi ako makatulog kinagabihan sa pagtagni-tagni sa mga nangyari sa kanya. Pero isa lang ang sigurado ko, ang nagka amnesia sya since na may history sya ng brain cancer reason kung bakit umabot sila ni Daddy ng 15 years sa Canada.
Hindi ko na naisip na baka may asawa sya na syang Ama ni Ela, kase malakas ang kutob ko na wala pa syang asawa kahit may Anak na.
Sana nga ay wala talaga dahil handang-handa ako magpaka-tatay sa kay Ela.
Hanggang sa ikinasal na kaming dalawa nang bumalik na ang kanyang ala-ala. Ito ang araw na pinakahihintay ko ang magiging legal na akin na sya. Pupunuin ko ang puso nya na palagi kong nasasaktan sa tuwing nagtatapat at nagmamakaawa sya sa akin na mahalin ko sya.
Ngayon ay hindi na nya kailangang gawin iyon dahil wala ng dahilan pa at lulunurin ko sya ngayon ng aking pagmamahal.
At sa tulong na rin ng isang tao na nakipag meeting sa akin ay may binigay sya sa akin na isang video na kung saan ay si Joana at Lance ang may pakana ng lahat.
Video iyon ng pagkikita ni Lance at Joana bago pa man ang unang klase ni Cameia. Hanggang sa pag-abot ni Joana ng bote na may ecstasy ay nakuhaan ng at ang simpleng paglagay ni Lance ng ecstacy sa baso ni Cameia kasama ng alak.
Ito ay survillance para sa pamilya ni Joana na matagal na palang tinitiktikan ng mga private agents at isa nga sa nakikita nilang magiging pain ay si Kammee.
At ang agent na nakatuka na magbantay kay Kammee ay si Juaquin Del Rizal. Kaya after ng bidding sa Canada at sa airport palang ay inaresto na si Joana sa pagtutulak ng drugs at hindi sa naging kaso nya kay Kammee.
YOU ARE READING
MAKE ME A SLAVE: (COMPLETED)
RomanceWelcome to my fictional world, purelovers, where pure love exists. This story belongs to Mika Fable. Purely Fictional Writer of Purely Fictional Stories.