WELCOME BACK.
I was so happy when i found out that finally after 15 years, Daddy is coming home to the Philippines with Kami. Iba yong feeling, although nakikita ko naman si Kami pag pumupunta ako ng Canada.
Minsan dumadaan ako sa school nila o di kaya ay palihim ko syang sinusundan with her friends kapag nagsa-shopping sila. Hindi rin alam ni Daddy na pumupuslit ako minsan papuntang Canada at nakukuntento nalang ako na makita si Kammee mula sa malayo.
As she grows older, she gets more beautiful. She and her friends were in the park at that time and i was just not far away secretly watching her. I took her stolen shots with my phone.
Sabi ko sa aking sarili na pansamantala lang ito at hindi panghabang-buhay na ganito ako palagi sa kanya.
Magtitiis muna ako hanggang sa gumaling sya sa kanyang sakit.
Nagtiis nga ako ng mahabang panahon, ngayon pa ba ako susuko? Walang sukuan at malayo na ang narating namin pareho sa puntong ito ng mga buhay namin.
Hindi ako bumalik ng hotel na tinutuluyan ko until i saw her safely back home. Sa panahon ngayon ay mahirap na magtiwala sa mga kaibigan and knowing Kammee is very friendly and jolly.
Madali makuha ang loob nya pero mahirap mo rin kunin kapag nagmiminaldita na sya.
Kaya pagnauubos ang pasenya ko sa ugali nya ay, sinisindak ko talaga at sa paraang iyan ay takot sya.
Mga isang linggo bago ang dating nila Daddy ay inayos ko ang mga rooms nila. I just cleaned Daddy's room and i didn't change the arrangement and colors as well as the furniture, because he said that Mommy was the one who cleaned his room and furniture before.
His room is too sentimental for him.
At alam ko ang istorya ng kwarto nya na kung saan ay una nyang nakita si Mommy na natutulog. That was the first time my Dad fall in love with my Mom.
Love at first sight.
Since na hindi naman ako natutulog sa mansyon ay inilipat ko ang mga gamit ko sa dapat kwarto ni Kami, at ang kwarto ko ang inayos ko para maging kwarto nya. I changed the colors of the walls, i changed the old black and gray to white and light brown, basically aesthetically. May pagka minimalist din kase ang personality nya.
Ipina costumized ko ang bed nya with a high head board from ceiling to floor and with her name written in the middle, KAMMEE. The bed frame and head board are mahogany in color and the bed itself is white.
I want her room not only to look fresh but to feel fresh at the same time as her age as well.
At sa dingding ay nilagay ko ang isang malaking painting ng babaeng nasa gitna ng hardin na may hawak na bulaklak at may nakaipit rin sa kanyang tenga.
My Mom is in the painting.
Tatlong araw din ang ginugol ko sa pag renovate at pag-aayos ng kwarto nya, of course i enjoyed while i was doing that. It's a shame that i'm an engineer if i can't use my expertise in her own room.
Gusto ko ang lahat ay detalyado para magustuhan nya, alam ko ang ugali nya kahit papaano. At pag once na hindi nya magustuhan ang isang bagay ay i-voice out nya impulsively.
Kung pwede nga lang na doon ko na sya patitirahin sa Viridescent sa kung saan ako nakatira ay ginawa ko na. But for the main time ay huwag muna.
Masyado naman obvious kung gagawin ko pa iyon.
I reserve the best for her.
Bumili rin ako ng bagong aircon iyong malakas ang buga kase lumaki sya sa Canada, sanay sya sa malamig kaya hindi uubra sa kanya ang naghihingalong aircon na kahit ako ay pinagtyagaan ko nalang din.
YOU ARE READING
MAKE ME A SLAVE: (COMPLETED)
RomansaWelcome to my fictional world, purelovers, where pure love exists. This story belongs to Mika Fable. Purely Fictional Writer of Purely Fictional Stories.