CHAPTER 3

493 8 0
                                    

KISS.

Pagkahablot ko ng damit nya ay tumakbo na ako, pero ang bilis ng karma. Natalisod ako sa batong nakaharang sa gate.

Napangiwi ako sa sakit at umupo muna at hinipan ang sugat ko sa tuhod na dumudugo na, nilingon ko ang driver namin.

As always, no reaction from him, no sympathy can be seen in his eyes. He just looked my knee that was dripping blood pero tuloy-tuloy sya na pumasok sa malaking pinto at parang hangin lang ako na nakasalampak sa gilid ng gate.

At ano nga ba ang aasahan ko sa nagyeyelong katulad nya sa sobrang lamig ng pakikitungo sa akin?

Nanggigil talaga ako, ang manhid naman nya. Never ba sya nadapa sa buong buhay nya?

Hindi naman siguro. Baka gabi-gabi nga iyan dumadapa sa mga babae nya.

Haist!

I have no choice but acting like nothing happened and where in fact. Ayaw ko rin na humingi ng tulong galing sa kanya. Sa ginawa nya sa akin ay hindi ko na kailangan mag expect ng malasakit mula sa kanya at baka magkaroon pa ako ng utang na loob. Sa mukha nya ay sya iyong tao na maniningil talaga sayo.

De bale nalang.

All i need to do is stand up and chin up. Feels like i won miss universe.

"Ok kami, kaya mo yan" cheer ko sa sarili ko at maingat na tumayo.

Tumutulo pa rin ang dugo, hawak ko pa rin ang damit ng driver namin. Isinampay ko sa balikat ko para hindi mamantsahan ng dugo ko at Paika-ika akong pumasok sa mansion.

"Kami, Anak. Anong nangyari sayo?" si Papa nasa sala sya at may kausap sa telepono.

"I'll call you later" narinig ko na sabi ni Papa at pinatay na ang phone nya at nilapitan ako.

"Anong nangyari sayo ah?" bakas sa boses ni Papa ang pag-aalala.

Binuhat nya ako at pinaupo sa sofa at pumasok sya sa kusina, pagbalik nya ay may dala na syang panlinis at gamot sa sugat ko.

Pinunasan nya muna ang dugo na tumutulo at sinunod nya ang alcohol. Napasigaw ako sa sakit at hapdi, hindi ng sugat ko sa tuhod, kundi sugat sa aking puso.

Tang-ina!

Hindi puso ko ang masakit kundi itong sugat ko, mismo.

Sumisinok-sinok ako habang nilaglagyan ni Papa ng betadine ang tuhod ko na may malalang sugat na. Akala ko kase ay daplis lang ang pagkakasadsad ko kanina.

"Tiisin mo lang ang sakit, mawawala rin yan" alo sa akin ni Papa at marahang hinihipan nya ang mga sugat ko.

Oo, alam ko na hindi permanente ang sakit pero kaya tayo umiiyak pagnasasaktan ay dahil nag-iiwan ang sakit ng scars sa ating ala-ala at kapag maalala na naman natin ang ala-ala na iyon ay masasaktan tayo ulit. At ang sakit na ating mararamdaman ay hindi na physical, kundi pyschological na.

Medyo gumaan na ang pakiramdam ko after hipan ni Papa ang aking sugat, tinangay ng hangin ng pagmamahal ni Papa ang hapdi na dulot ng hindi maipaliwanag na damdamin.

"Papa..."

"Yes, anak?"

Ipinatong ko ang ulo ko sa lap nya at humiga sa mahabang sofa, kailangan ko ng comfort, kailangan ko si Papa at wala ng iba.

Bina brush nya ang buhok ko gamit ang kanyang mga daliri dahilan para dalawin ako ng antok. Bumigat ang talukap ng mga mata ko pero bago pa ako mapunta sa mundo ng panaginip ay nakita ko ang driver namin na nakasandal sa gilid at mataman na nakatingin sa akin.
May kakaiba akong nasilip sa kanyang mga mata, at kung ano man iyon?

MAKE ME A SLAVE:  (COMPLETED)Where stories live. Discover now