CHAPTER 35

89 1 0
                                    

NUMBER.

From the vivid scene, i went to the deep dimension...deep...as deep as mariana trench and went back to the clear and tamed vision. My eyes opened and i saw white surroundings. It's cold...my flesh is shivering at the same time as i smell the familiar scent that i don't want to smell anymore.

I feel like...i'm very used to feeling like this. It's like...I'm immune.

"Cameia?" i heard a familiar voice.

"Thanks God, at gising ka na" lumingon ako sa kanya.

I saw, Karen, my friend start to cry.

Babangon na sana ako sa pagkakahiga ng pigilan nya ako.

"Huwag muna, Girl, at baka mapa'no ka pa" sansala nya sa akin.

I remembered the last thing that happened to me why i went to the hospital today.

"Karen, nasaan ang Anak ko?" nanghihina na tanong ko sa kanya.

Sinuri nya ako ng mga tingin nya na para bang may ibig sabihin sa akin. Pero ngumiti din naman sya kalaunan.

Ang wierd nya.

"Andoon sa labas ang Anak mo" nakangising sabi nya na ikinakunot ng aking noo.

"Binabantayan ng costumers mo kanina" kinikilig na sabi nya pa.

"Mga customers ko?" they're here? and why?

Umangat ang mga mata ko sa nakabukas na pinto at nakita ko ang moreno, matangkad at seryusong lalaki na seryusong nakikinig sa sinasabi ng Doctor habang ang dalawa nyang kamay ay nasa likod nya at panaka-naka ang mga mata nya ay nasa kausap na Doctor at sa sementadong sahig.

Mukhang malalim ang kanilang pinag-uusapan base ito sa pagbuka ng kanyang mga labi na parang diri-diritso at parang alam na alam nya ang kanyang mga sinasabi.

Hindi ko sila marinig pero nakikita ko sila mula sa bed na kinahihigaan ko.

Bakit andito sya at sya ang nakikipag-usap sa Doctor? Dapat si Karen o hindi kaya ay ako nalang.

Hindi kaya ay naperwisyo ko sya kanina noong nawalan ako ng malay? Sobrang sumakit lang kase talaga ang ulo ko at hindi ko nakayanan kaya bumigay ako.

Hindi naman na ako hinihimatay mula noong isinilang ko si Ela at iyon na ang huli tapos ang...ngayon ulit.

Ang wierd.

Bakit sa harap pa ng mga dayuhang costumers ko?

Bumangon ako ulit para puntahan ang Anak ko dahil nakakahiya sa mga strangers na nagbabantay sa kanya.

"Hep hep! Bawal ka nga munang bumangon at baka nahihilo ka pa" ayos naman na ako.

Tumawa ako ng mahina para ipakita kay Karen na ayos na ako at kaya ko ng gumalaw na hindi nahihilo.

"Karen, kukunin ko na ang Anak ko at nakakahiya sa mga taong nagbabantay sa kanya...at hindi natin mga kilala iyon..
at baka mga kidnappers" mahina ang pagkakasabi ko sa mga huling salita.

"Ah talaga? Hindi mo sya kilala?" nakataas ang kilay na sabi nya.

"Parehas natin na hindi kilala ang mga iyon at nakakahiya sa kanila at baka may lakad ang mga iyon. Kaya ko na ang sarili ko Karen...hindi ako disable" punto ko sa kanya.

"Hindi pa pwede Cameia at pag sinabi na ng Doctor na pwede ka ng gumalaw ay pagagalawin na kita"

"Ano ako robbot na de battery?" natatawang supla ko sa kanya.

Nasa ganoon kaming dalawa ng pumasok ang Doctor at ang lalaking Moreno at diritso kaagad ang mga mata nya sa akin. Nakita ko ang bahagya nyang pagkagulat pero saglit lang iyon at napalitan kaagad ng pagkislap at...pagningning.

MAKE ME A SLAVE:  (COMPLETED)Where stories live. Discover now