CHAPTER 12

339 4 0
                                    

LQ.

Panay ang tingin ko sa orasan habang ginagawa ko ang project namin, wala parin si Xan. First time nya ma-late ng ganitong oras at mag twelve na ng gabi. Saan na kaya sya at sino ang kasama nya ngayon?

Hindi pa ako kumakain kase walang pagkain at hindi naman ako marunong magluto, kase kung alam ko lang ay kanina pa ako busog.

Excited pa naman ako kase sabi nya ay magluluto sya ng sinigang na hipon for our dinner tonight but which is one of my favorite filipino foods bu until now ay hindi pa rin sya nakakauwi.

Hinatid na nga lang ako ni Vince kanina dito kase ang tagal ko nag hintay sa waiting sheed.

What happened to him kaya?

Hindi kaya ay may nangyaring hindi maganda sa kanya? Wala rin kase akong cellphone para sana ay matawagan ko sya.

Mag aalas tres na nang madaling araw nang naramdaman ko ang bahagyang pag-click ng doorknob at sigurado ako na sya na yon.

Mabilis ako na tumayo sa sofa.

Babatiin ko sana sya kaya lang ay umatras ang dila ko nang makita ko kung sino ang kasama nya.

Si Joana.

Napatingin ako kay Xan na tuloy-tuloy ang pagpunta sa kusina at dinaanan lang ako na parang hangin.

Gumuhit ang sakit sa aking dibdib at binalingan ako ng naghihingalong mga mata ni Joana.

"Oh, the orphanage girl is still awake?" nakangising sabi nya.

Napatiim-bagang ako sa kanya. Sa dulas ng dila nya ay mukhang lasing ito.

Naglasing sila ni Xan? Tapos ay inuwi nya dito sa pad nya na andito ako? What about Papa? Hindi nya na ba mahal si Papa? Niloloko nya si Papa?

Kaya ba ay ipinakilala nya ang kumpanya ni Joana kay Papa last time dahil may ginagawa sila sa likod nito?

Oh gosh!

I can't believe it, Xan. How could you do this to my Father? Sana kung hindi mo na sya mahal ay maging totoo ka sa kanya at hindi iyong lolokohin nyo sya sa harap ko pa mismo.

Papa put a lot of trust in you, Xan, in order for you to love him for real....for real! Hindi nya deserve ito. Walang ginawa si Papa kundi ang maging mabuting tao hindi lang sa akin kundi sa lahat ng kaalyado nya sa pamilya, trabaho at sayo, Xan. He loves you so much.

Kung naririnig mo lang sa Canada gabi-gabi ang pagtangis nya dahil mis na mis ka na nya ay baka kaawaan mo sya at baka sipain mo pa s Joana palabas ng pad mo.

Hindi ko ito sinasabi dahil may gusto ako sa kanya, kundi sinasabi ko ito para protektahan si Papa laban sa kanya na hindi nya alam na nag-aalaga na pala sya ng ahas sa kanyang teritoryo at anytime ay tutuklawin nalang sya.

And him? Bringing Joana here on his pad when he knows I'm here is a big insult to Papa. Nasaan ang delikadiza nya?

"Hi, orphanage girl" she called me an orphanage girl as an insult.

Padarang sya na umupo sa sofa na feeling nya ay bahay nya. I really don't like this girl even before when we first met. Ano ba ang nakita ni Xan dito? Mukha naman itong hindi kagandahan.

And her way sitting on the sofa?

Wow!

Feeling at home ang gaga kung makaupo. Hindi dapat na ganito ang ginagawa nila kay Papa.

Hindi ko sya pinansin at parang nakainom yata kaya mababahong words ang lumalabas sa bibig nya pero hinahamon nya ako ngayon.

Pag hindi ako makapag timpi ay papatulan ko talaga  'to.

MAKE ME A SLAVE:  (COMPLETED)Where stories live. Discover now