NIGHT.
Its night again.
And there wasn't a night that i didn't wish i could remember. Because i feel like I'm not whole. I feel like I'm a whole puzzle with other parts missing.
That's why i can't be rebuilt, because there is no manual in my life that will be the mold to rebuild...the puzzle that i am.Habang nag-aayos na ako para matulog is the beeping of my 105 Nokia keypad phone. Binasa ko ang message and from an unknown number.
Unknown Number: How are you feeling?
Nagtaka ako kung sino iyon kaya hinayaan ko nalang at nagpatuloy sa pagsusuklay ng aking buhok. Pero makalipas yata ang dalawang minuto at nag beep ulit ang phone ko.
Unknown Number: Are you asleep?
Iniisip ko na baka pinagtitripan ako kaya ni-rip-layan ko na lang.
Me: Who you?
Matagal sya bago magreply.
Unknown Number: Xan.
Me: Sorry, wala akong kialalang Xan
Unknown Number: Save my number and name it what you want.
Napataas ang kilay ko sa message nya. Kung makautos ay parang napautang ako a.
Bahala ka nga dyan, baka nangti-trip ka lang sa mga taong tahimik.
Hihiga na sana ako nang may tumatawag sa phone ko.
Masyado namang isturbo. Kaya pinatay ko.
Unknown Number: Pagkatapos mong makautang ha, at ayaw mo na akong kausapin?
I stiffened for a moment and suddenly my brain didn't function but my heart beats fast, hard and loud.
So his name is Xan?
Me: Xan na, sa hospital kanina?
Unknown Number: Nagkautang ka lang nagka-amnesia ka na kaagad.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at bahagyang napangiti.
Nagka amnesia naman talaga ako. At ano ang aasahan nya kung hindi ko sya maalala, at isa pa ay hindi ko naman alam ang pangalan nya kanina.
Me: Sorry, hindi ko alam.
Pakumbaba ko nalang dahil ako naman ang nakaperwisyo sa kanila. Pero kung iba-iba lang at walang ambag sa buhay ko? Ay hindi 'to makakatikim ng sorry at baka mura ang matikman nya sa akin.
Unknown Number: Sige na matulog ka na. 4.5.9
Tumaas ang isa kong kilay sa 459 nya. What does it mean? Anyway, tapusin ko na itong conversation namin sa letter...
Me: K.
I fell asleep feeling light, i don't know why but there was a smile on my lips. It's been a long time since i've felt this feeling, but there's a part of my heart that feels like i've felt it before.
Siguro kung nakakaalala lang ako ay malalaman ko kung ano itong nararamdaman ko ngayon at hindi iyong nanghuhula ako. Hindi rin maalis palagi sa isipan ko kung sino ang Ama ng Anak ko? Kung anong klaseng tao ba sya? Lahat 'yon ay gusto kong maalala.
Sana nga paggising ko bukas ay naalala ko na ang lahat para alam ko kung saan ako magsisimula ulit kase hangga't hindi ko alam kung ano ang nakaraan ko ay mananatiling naka standby ang buhay ko.
Paano kung kasal na pala ako?
Tapos ay may magugustuhan ako dito? Pero hindi ko mapagbigyan ang aking sarili na mahalin sya kung hindi ko nga alam kung sino ako? Bakit ako nagka amnesia?
YOU ARE READING
MAKE ME A SLAVE: (COMPLETED)
RomanceWelcome to my fictional world, purelovers, where pure love exists. This story belongs to Mika Fable. Purely Fictional Writer of Purely Fictional Stories.