PANTIES.
Nagising ako na masakit ang ulo.
Tiningnan ko ang oras sa relo na nasa bisig ko at pasado alas dos na ng hapon. Lumabas ako ng kwarto para maghanap ng gamot para ma-lessen ang pananakit.
Nakita ko si Xan na nakaupo sa sofa at may mga papel sa harap na binabasa, Sinulyapan nya ako nang makita nya ang paglabas ko sa kwarto.
Samantala ay nagpatay-malisya ako at tuloy-tuloy na binubuksan ang mga kabinet sa kitchen at nagbabakasakaling may makita akong gamot.
Hindi na yata sya nakatiis sa panonood sa kung ano man ang hinahanap ko kaya sya na ang nagpakumbaba ng pride nya at tinanong ako.
'What are you looking for?" nilingon ko muna sya saglit bago sinagot.
"Ma-masakit ang ulo ko" nag-aatubiling sagot ko.
Binitawan nya ang papel na hawak at tumayo palapit sa akin.
"Sit there" sabay turo nya sa silya na nasa mesa.
Tahimik ako na sumunod sa sinabi nya habang tinitingnan ko ang ginagawa nya. Binuhay nya ang kalan at may isinalang, ulam yata. Ibinaling ko kaagad ang paningin ko sa ibang direksyon nang mapatingin sya sa gawi ko, ayuko na mahuli nya na pinagmamasdan ko sya ng palihim.
Tumayo ako at binuksan ang TV para lang ma divert ang atensyon ko at hindi mapunta sa kanya, nanood ako ng cartoons. Totally Spice ang pinanood ko, ever since ito ang favorite kong panourin kaya parang nakalakihan ko ito.
Makalipas ang ilang minuto ay tinawag na ako ni Xan sa mesa, tapos na yata sya sa kanyang ginagawa. Hinayaan ko lang ang tv na bukas pero sobrang hininaan ko nalang ang volume.
Nilagyan nya ng kanin ang plato ko at nilagyan ng sabaw ng tinola ang bowl, parang namiss ko ang ulam na ito na luto palagi ni nanay Zilda sa mansion.
"Eat" sabay lapag nya ng mga pagkain sa harap ko, i have no choice kung hindi ang kumain. Gutom na rin kase ako dahil wala akong breakast at lunch.
Alam nyo naman at nag-away kami kanina.
Bumalik sya sa sink, at pagbalik nya sa mesa ay may tinimpla na syang chocolate milk na nilapag sa harap ko kasama ang gamot sa sakit ng ulo.
Pumunta sya sa sala at kinuha ang isa sa mga papel na andon at bumalik sa kusina sabay na umupo sa harap ko, tapos doon nagbasa habang kumakain ako.
Umismid ako sa isiping pati sa pagkain ko ay nakabantay sya kaya hinayaan ko nalang hanggang sa malapit ko ng maubos ang kinakain ko nang tanongin nya ako kung gusto ko pa daw kumain.
Syempre gutom ako e, kaya tumango ako. Nilagyan nya ulit ang plato ko ng kanin at ulam. Feeling ko tuloy prinsesa ako na pinagsisilbihan.
Ganito pala ang feeling ng pinagsisilbihan?
So ganito rin ang nararamdaman ni Joana noong pinagsisilbihan nya sa mansion?
Paano ko sya tuluyang makalimutan kung ganito ang ginagawa nya sa akin?Pero, siguro normal ito sa mga feeling girly.
Out of a sudden ay nalungkot ako, kase naman diba? Nasa hiling process ka na pero ang tadhana ay hindi pa maka-move on or sa madaling salita ay hindi pa tapos ang tadhana na pahirapan ako?
Pero paano kung bakla nga talaga sya?...sila ni Papa?
"Why? is there bothering you?"
Tanong nya nang mapansin nya na bahagyang natigilan ako. Umiling ako at ipinagpatuloy na ang pagkain.
Pero hindi ko talaga maiwasan na sulyapan sya ulit. Nakaupo sya ng pa-cross legs, wearing white t-shirt round neck, black denim shorts and brown leather arabic sandals.
YOU ARE READING
MAKE ME A SLAVE: (COMPLETED)
RomanceWelcome to my fictional world, purelovers, where pure love exists. This story belongs to Mika Fable. Purely Fictional Writer of Purely Fictional Stories.