I LOVE YOU GOODBYE.
Mula sa Hacienda El Farma ay bumiyahe si Papa papuntang Manila, dahil tumawag ang school namin tungkol sa naging problema ko.
Pati si Xan ay gulat na gulat sa mga nangyayari sa akin sa party dahilan para hindi na ako makapasok ulit, first time kong makita na galit na galit si Papa kaya todo hingi ko ng sorry sa kanya.
"Dinala kita dito sa Pilipinas kase hindi kita kayang iwan sa Canada mag-isa, alam mo ba na malaki ang isinakripisyo ko para lang sayo? Para lang mabigyan kita ng magandang kinabukasan?"
Nanggagalaiti si Papa sa akin, hindi ko kayang makita sya na ganito, na nasasaktan dahil sa kagagawan ko. Hindi ko kase talaga alam at kahit anong pilit ko sa mga nangyari ay hindi ko makita kung paano ba talaga?
"Hindi lang 'yon, dinungisan mo pa ang reputation ko sa lahat" disappointed nya na sabi. "Kami anak, bakit nagkaganyan ka? Anong nangyayari sayo, a?"
Halos hindi makapaniwala si Papa kase mataas ang expectations nya sa akin. Pero ang makita na ganito sya na puno ng hinaakit ang kanyang mga mata ay sobrang pinagsisihan ko ang lahat.
"Papa sorry, hindi ko po sinasadya at hindi ko rin po alam kung paano ang nangyari? At h-hindi ko po alam na nakikipaghalikan po ako"
Umiiyak ako habang nakaluhod at hawak ang laylayan ng damit ni nya at pilit ko na inaabot ang kamay nya para mahawakan ko kaya lang inilalayo ni Papa.
Sobra akong nasaktan dahil pati si Papa ay ayaw na akong hawakan. Mas ngayon ko naramdaman ang pag-iisa. Walang gustong makasama ako. Sa pagkakamali na hindi ko alam ay tuluyan akong nawalan ng gana na...ipagpatuloy pa ang buhay ko.
Ang hirap kapag wala kang totoong pamilya, ang hirap kapag ampon ka. Kase bawat galaw mo kailangan ay mapatunayan ka para hindi maging sayang ang lahat ng ginawa nila para sayo at ang pinakamasakit bilang ampon? Ay ang pakiramdaman na...nakatali ka sa utang na loob sa kanila habang-buhay. Kailangan ay perpekto ka sa mga mata nila dahil ang ampon na katulad ko....ay malaking kasalanan ang...magkamali.
"Hindi ko inaasahan ito, Kami. Sobrang iningatan kita sa lahat ng bagay para lang maging maayos ka tapos ito lang ang mapapala ko sayo? Makita ang kalat mo na video na nakikipag-inuman, sayawan at halikan sa kung sinong lalaki?" laylay ang mga balikat na sabi ni Papa. "I think, kailangan mong bumalik ng Canada at doon nalang tapusin ang pag-aaral mo"
Seryuso ang tono nya habang sinasabi iyon dahilan para naapatigil ako saglit.
"Papa, ayuko. Ayuko po pumunta doon na ako lang mag-isa. Hindi ko po kaya, dito lang po ako Papa at aayusin ko na po ang aking pag-aaral at hindi na rin po ako makikipagkaibigan" mas lalo pa lumakas ang iyak ko.
"Kaya mo 'yan, malaki ka na at may napapabayaan na rin ako na iba dahil lagi kitang inuuna. Siguro time na para ang Ana......."
"Tumayo ka na dyan!" hindi natuloy ni Papa ang sasabihin nang sumigaw si Xan at inilang hakbang lang ang pagitan namin at pinapatayo na ako.
Nakita ko kung paano magsukatan ng tingin si Papa at Xan. Natatakot ako na baka sisantihin ni Papa si Xan sa trabaho dahil lang sa akin.
"Kammee, will stay here with me" matigas na sabi ni Xan na ikinapintig ng mga panga ni Papa.
"Diba obligasyon mong bantayan sya dahil na sa poder mo sya? O, ano ngayon ang nangyari?"
Sabi ni Papa habang nakatingin kay Xan na hawak pa rin ang kamay ko. Nasa gitna nila ako na nakasalampak sa sahig at nakayakap sa isang binti ni Papa. Para silang mga higanteng bato na anytime ay maaaring mag-uumpugan dahil sa galit sa isa't-isa.
YOU ARE READING
MAKE ME A SLAVE: (COMPLETED)
Storie d'amoreLumaki sa Canada si Kammee. 16 years old sya ng bumalik sa Pilipinas. Ma-i-encounter nya ang arogante, misteryoso at masungit na si Xan...ang family driver nila. Sa lumilipas na araw nya sa hacienda ay madalas nyang makasalamuha ang driver, ngunit...