1: Rome Castellano

1.4K 33 2
                                        

" Dignity"

Jump. Kick. Nice serve.

Tumilapon ang bola ng takraw sa kabilang bahagi ng court.

Jump. Kick. Nice spike.

Tumilapon na naman ang panibagong bola sa kabilang court.

Jump. Kick. Serve.

Jump. Kick. Spike.

Paulit-ulit na yun ang ginagawa ko hanggang sa may namataan akong parang may kumukuha sa'kin ng litrato.

Sa huling pagserve ko ng bola, hindi na sa kabilang court ang direksyon 'nun kundi sa taong nasa likuran ko na.

Umugong agad sa buong court ang isang malutong na halakhak ng isang lalaki.

Pawis na pawis akong lumingon sa taong yun.

Kai is smiling towards me with his damn camera on his shoulder.

Nasa kamay niya yung bola ng takraw. Mabuti at nasalo niya ito kung hindi baka natamaan na siya nito. That ball was intended for him.

Pagod kong inikot ang mga mata saka lumapit doon sa pinakababang bleacher. I get my duffel bag there and sit on it.

Kinuha ko yung flask ko sa bag saka uminom ng tubig.

Nakita kong lumapit sa'kin si Kai at tumabi ng upo.

Walang emosyon akong napatingin sa malawak na court na kung saan sobrang tahimik na ng buong paligid. Kaming dalawa nalang ang mga tao rito.

Hindi ko alam kung anong oras na. Pero tingin ko mukhang malalim na ang gabi.

" Si Gio pa'rin ba yung rason kaya ginagabi ka na naman dito?"

Matamlay akong napayuko saka nilagay ang puting towel sa'king mga balikat.

Pinahid ko to sa'king pawisan na mukha.

" Tanggal ka na sa team. Why are you still here..practicing? "

Parang punyal na tumarak sa'king puso ang bawat salita niya lalo na sa part na sinabi niyang tanggal na ako sa team.

Napalunok ako at malamig ang mga matang napatingin sa kawalan.

" I am just releasing some stress here, Kailo. " Matigas kong saad sa kanya.

Narinig ko ang malalim niyang pagbuntong hininga.

" Si Gio na naman ba? "

I smirk for part of his question is right.

Yes..si Gio na naman.

Pero higit pa kay Gio yung pinoproblema ko ngayon.

" Until now hindi ka pa'rin ba nakakamove on sa kanya, Rome? He ruin everything in you. "

Napakurap ako at aminadong tama si Kai.

" Kaya ka natanggal sa team dahil sa kanya. That is why you lost your scholarship. And now you still can't move on from him?"

May ngitngit ang damdamin akong napalabi saka buong puot na inisip kung bakit hanggang ngayon..ako pa'rin tong nagdurusa sa lahat ng nangyari sa'min.

" Hindi si Gio..Kai. Pera ang nasa isip ko ngayon. Hindi ko alam pano sila mapapasaakin ng ganun kadali. Sobrang hirap kumita ng pera. " And that is true.

Thinking what I did these past months just to earn it.

" Uh.. bakit? Kumusta pala raket mo ngayon? Hindi ka ba kumikita ng ganun kalaki? " Gusto ko matawa pero hindi talaga ako natutuwa.

LAST BROKEN VOW (Broken Vow Trilogy:3)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon