" fate "
Tahimik ako ritong nanunuod ng mga nagpapractice na mga high jumpers. Nasa malaking oval ako ng school.
Vacant ko pa at dahil hindi na tulad ng dati na may practice ako tuwing free time, so I just settled myself here watching those athletes.
Dito ako madalas simula nung natanggal ako sa team.
Ewan.. nakakagaan lang sa pakiramdam pagmasdan sila. Trying their best to perform well for their respective upcoming competition. Their execution is precise. Never allowing any mistake.
Napahinga ako ng malalim habang pinagmamasdan ang isang high jumper na sobrang swabe ng galaw. Mula sa pagtalon niya ng mataas na hindi sumabit sa pole hanggang sa kanyang banayad na pagbagsak sa malambot na foam.
How I wish my life was like that. Na sa tuwing babagsak, may isang malambot at makapal na foam agad na sasalo sa'kin nang sa ganun hindi ako masaktan.
" Hey.. lalim ng mga iniisip natin ah."
Napalingon ako kay Kai and as expected bigla kong narinig yung pag-click ng camera niya.
He take some photos on me again.
" Walang kupas. Sobrang ganda mo pa'rin kahit hindi nakangiti." Nakangiting sambit niya habang napapatingin sa kanyang camera.
Napangiti ako ng mapait mula sa tinuran niya. Binalik ko muli ang atensyon sa malawak na field.
" Mukhang wala tayo sa mood ngayon ah. Bakit masama ba pakiramdam mo? " Nagulat nalang ako nang biglang madama ang palad niya sa noo ko.
Natigilan siya at sumeryoso ang mukha.
" You're burning Rome! "
Inis kong tinabig ang kamay niya at tatayo na sana kaya lang bigla akong nahilo kaya hindi ko natuloy ang gagawin.
Agad niya akong hinawakan sa balikat. Trying to steady me.
" Bakit ka pumasok? You should rest now. Halika..sasamahan kitang umuwi. Ihahatid na kita..." I let go again his hand.
Nagulat siya at takang napatingin sa'kin.
I'm really not in a mood now to feel sick.
Especially if the sole reason why I'm like this was because of that night.
Three days since that happen, and I'm still not getting over it even if I tried these past days to accept my fate now.
But as days goes on, I get to hate every fucking moment of that night. How wrong I am for believing that I can really do that job.
Inis akong sumalampak ulit sa pag-upo. Aburido na ang mga tingin ko sa malawak na field.
" May nangyari ba? "
I want to smile bitterly with his question.
Yeah right. May nangyari talaga.
Hindi ko sinagot si Kai. Mabuti at ni hindi na'rin siya naging makulit para tanungin pa ako kung anong nangyayari sa'kin ngayon.
I just want to move away. Run away from everything.
I want to silence my world.
Gusto ko ngayon mapag-isa.
I wanna rethink all the past decisions I made. From all my mistakes and misfortunes.
Malas.
Malas ka talaga Rome.
BINABASA MO ANG
LAST BROKEN VOW (Broken Vow Trilogy:3)
General FictionLancelot James (Lance) Santibañez was caught by his father having an indecent affair with his classmate-- Gio Sandoval. Gio is the son of his father's rival in politics. So that led to Don Lucio Santibañez decision to hire someone to be his son's fu...
