29: Lance Santibañez

609 26 2
                                        

" Casa Grande "

Sa halos apat na buwan naming palipat-lipat ng tirahan, Rome decided to settle in this certain island located somehere in Samal.

Hindi ko alam may tiyahin pala siya rito sa Davao.

Akalain mo yun, sa ilang buwan naming pagtakas nakarating na pala kami ng Davao.

She told me that this aunt of hers that we're about to stay is his father estranged sister. Ito rin ang may-ari ng nasabing private resort.

I can't believe her. Bakit ngayon lang niya sinabi sa'kin na may kamag-anak pala siya rito sa Mindanao?

Di sana hindi na kami nahirapan pa sa paglipat-lipat ng tirahan.

Tiningnan ko ng maigi si Rome. She's silently sitting in this boat. Bale may sumundo sa'ming yate sa pantalan. 

I was shocked because I never thought that this aunt of hers is actually that rich. Sinundo pa kami ng yate. 

Kaya lang mukhang mahihirapan akong makakilos ngayon dahil yung mga kalalakihang sakay ng yateng ito ay halos may mga baril na dala.

I don't know if they're bodyguards, but they are more like goons in the movies.

Rome is just composed as she stare the sea. Nakakapanibago yung porma niya. Malayo sa babaeng halos nakasports attire palagi. 

She look simple in that skyblue blouse of hers paired with a flowery skirt. Her hair was tied in half while longingly lighted by the sun.

She told me to never said anything unnecessary when we arrive. Hayaan ko lang daw siya muna ang magsalita.

And I follow what she said. Nang makaapak kami sa isla, napagtanto ko na nasa liblib na bahagi ang lugar na 'to. Halos isang oras din yung binyahe namin mula dun sa pantalan ng Davao. 

The place is quite strange because of its poor community. Even if the beach has potential to be like those known beaches in the Philippines, but this one is kinda deprive.

Parang pinagkaitan ng opurtunidad na umunlad pero kahit na ganun at least na preserve pa'rin nun ang natural na ganda ng isla.

May nakikita akong mga tao na abala sa pagbibilad ng mga daing na isda. May ilan namang mangingisda na papalaot na habang yung iba ay kararating lamang mula sa maghapong pangingisda.

Sa di kalayuan ay may nakita akong napalalaking resthouse na nasa tuktok na bahagi ng islang ito. Mukhang dun ang papunta namin dahil yun lang ang nakikita kong magarang bahay taliwas sa mga bahay na nakikita ko rito sa baba.

Sumakay kami ng sasakyan at habang papunta kami run sa malaking bahay napansin ko na kahit hindi ganun ka yaman ang lugar na ito pero kompleto naman. May naraanan kaming maliit na simbahan, paaralan at centro.

Tiningnan ko yung sitwasyon ni Rome. At least maipagpapatuloy pa'rin yung prenatal check up niya.

Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako sa lugar na ito. Mukha naman siyang tahimik at safe pero ewan ko ba. May masamang kutob talaga ako sa islang ito.

Habang papalapit na kami sa malaking bahay, mas nadagdagan lamang ang kaba ko nang makita ang mas marami pang mga kalalakihan na may mga armas. Nakapaligid sila sa buong bahay.

Nang makababa kami ng sasakyan ay mayroon agad na sumalubong samin na iilang mga kasambahay. Kinuha nila yung mga gamit namin. Napahawak ako ng di oras kay Rome.

I don't know. This place looks scary.

The house is old, but you can still say that the one who's living here is quite influential. Makikita mo yun mula sa napakaraming trabahante na andito isama mo pa ang mga goons na ito.

LAST BROKEN VOW (Broken Vow Trilogy:3)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon