" dead "
I stare blankly at the screen of my phone. Ilang oras na akong nakatitig sa contact name ng papa.
Hanggang ngayon nang dahil sa sinabi ni Rome ay sobrang nagdadalawang isip pa'rin akong kontakin si papa.
Paano kung...
Natahimik ako.
I've seen how my father will do everything for his political career na kahit kaming pamilya niya kaya niyang ipagpalit para rito.
Bata palang..alam ko na kung ano ang kaya niyang gawin.
Napapikit ako. Pinilit kong burahin saking isipan ngayon ang lahat ng mga alaalang yun noon.
Napalunok ako at napahinga ng malalim.
Napatingin ako sa paligid. Hanggang ngayon nasa pantalan pa'rin ako. Hindi ko alam kung saan pupunta.
I have no money also.. for Pete's sake!
Walang hiya ang babaeng yun! Paano niya ako nagawang iwan sa lugar na 'to?!
Frustrated akong napatingin ulit sa cellphone ko.
So this would mean that I have left with no choice but to contact him...my father.
Pero bakit ganito? Bakit parang nag-aalangan na akong tawagan siya?
Nararamdaman ko pa'rin ngayon ang sakit mula sa mga pasa ng aking mukha.
If he's really the one who beat me this much, maybe Rome was right after all. Na galit na galit ang papa sa'kin dahil nahuli niya kami ni Gio.
Tumayo ako at lumabas na ng pier.
I need to clear my mind. Saka gutom na rin ako.
Pero paano na'to? Wala akong pera pambili ng pagkain!
Pambihira talaga ang babaeng yun!
I was left dumbfounded here. Loading talaga ako sa mga nangyayari. Bakit may pakiramdam ako na sobrang tagal na nung huling mga alaala ko sa sarili. Napatingin ako sa'king smartwatch.
Nakita ko na Enero na. Napadilat ako dahil dalawang buwan na pala nung huli naming pagkikita ni Gio.
That was my last recollection of memory. Ibig sabihin...they take over again.
A pang of pain dawn into me for realization hit me hard now.
And perhaps ..that is why I am here.
Napahinga ako ng malalim.
It happen again. The doctor was right. They're overpowering me.
Even if I take my meds religiously but there are times that I relapse at dahil dun hindi ako nakakainom ng gamot.
Ewan ko kung alam na ba ulit ng papa na bumalik na naman yung sakit ko.
Siguro alam na niya kaya nangyayari na naman 'to.
Natigil ako sa paglalakad. Masama ang pakiramdam ko. I am sneezing so hard here. Mabigat din yung ulo ko na para bang may pumukpok dito.
Napatingin ako sa paligid. I feel so helpless.
Ano na ngayon ang gagawin ko?
Frustratedly, I tried on walking again. Hoping in the road, I'll find familiar faces that will give me hope in this situation.
Natigil ako sa isang karenderya. Dapit hapon na at ilang oras ng walang laman yung sikmura ko.
Kahit hindi naman ako kumakain sa mga karenderya pero habang nakikita ang mga taong nandito at maganang kumakain ay hindi ko mapigilan ang sarili na maglaway.
BINABASA MO ANG
LAST BROKEN VOW (Broken Vow Trilogy:3)
Ficción GeneralLancelot James (Lance) Santibañez was caught by his father having an indecent affair with his classmate-- Gio Sandoval. Gio is the son of his father's rival in politics. So that led to Don Lucio Santibañez decision to hire someone to be his son's fu...
