35: Rome Castellano

540 28 3
                                        

" labor "

I know that he's lying.

He can't convince me with his stints now because I can clearly see the bad Lance in him.. and even Lancelot.

He's a terrible liar.

He may actually sound and acted as the gay James, but the more he's trying so hard there to deceive me again, the more I just remember what he said last time.

That he remember everything about his other versions. They are now one as a whole. At mukhang papaniwalaan ko na yun dahil sa nakikita ko sa kanya ngayon, he's a different James. Hindi na siya yung dating James na kilala ko.

Napaiwas ako sa kanya ng tingin at malungkot ko nalang na tinanaw ang karagatan. The moon shines so brightly to the sea. I can feel it on my face the cold breeze. The salt air that has been always there to remind me of where we are. Close to the ocean, but so far away from the truth.

" Rome.. tama na. Makakasama yan sa kalagayan mo ang pagiging stress. Don't worry. Hindi na mauulit yun. I promise.. hinding hindi ko na hahayaang lumitaw na naman sila sa'kin."

Natahimik ako.

I don't know what to response with what he said. Hindi ko na talaga alam ano ang dapat maramdaman sa mga pinagsasabi niya sa'kin.

Nalilito ako. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niyang magkaganyan. I am close to tearing up as I struggle myself to accept everything.

That this is my reality now. That the father of my child is like this. A criminal, a fugitive, has so many versions that I do not know anymore what to do.

Pagod na ako. Pagod na pagod na akong paulit-ulit na makita yung sarili sa ganitong kalagayan. Hindi alam kung ano na ang gagawin sa tuwing may pagbabago na naman sa kanya.

" James.. " Napatingin ako ng seryoso sa kanyang mga mata.

" This would be the last time I am asking you this. Please.. leave me alone here. Y'know that staying away from us—

" No..hindi. Hindi Rome!"

Nagitla ako sa pagsigaw niya bigla.

Napalunok ako at napakuyom sa kamao.

He's mad. I can literally see the bad Lance there in his eyes. He's losing control. He's even trying to hold himself up to never hurt me again.

Napahinga ako ng malalim at walang emosyon siyang tiningnan.

Hinanda ko na ang sarili kung sakiling saktan na naman niya ako.

Napalabi siya at nasasaktang napaatras.

" Sinabi ko na sa'yo.. hindi kita iiwan. Kaya tama na. Tama na Rome. Please stop pushing me away from you." Tumalikod na siya sa'kin matapos sabihin yun. Agad siyang pumasok sa kubo.

Napakurap ako habang pinipigilan ang anumang luha na tumulo na naman saking mga mata.

If this would go on.. mas mabuting ako nalang siguro ang aalis dito.

Kinabukasan, hindi ko siya pinapansin.

He's been trying so hard to get my attention. Pero parang hangin lang siya sa'kin. Nararamdaman pero hindi nakikita.

" Rome.. last prenatal check up mo na ngayon sa center. Halika na. Mahuhuli na tayo. Mas mainam na maaga tayo run para agad tayong matapos."

Hindi lang ako umimik habang kumakain ng kamote dito sa kusina.

" Rome.. naimpake ko na ang mga kakailanganin natin sa pagpunta sa hospital. Bibili nalang tayo sa mall ng iba pang mga kulang." Three days from now ay e-aadmit na ako sa hospital doon sa bayan.

LAST BROKEN VOW (Broken Vow Trilogy:3)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon