26: Rome Castellano

596 26 1
                                        

" huwag naman sana "

Mabuti at kahit papano, maayos kaming naghiwalay ng landas ni Lance.

I mean ni James.

Hinati namin yung perang inipon nung masamang Lance para sa pagtakas na ito. Hindi ko alam saan siya kumuha ng  maraming pera kung ninakaw ba niya ito sa papa niya o ewan. Basta wala ng ibang mas mahalaga sa'kin ngayon kundi ang makapagsimula muli gamit ang perang ito.

Before we part ways, nalaman kong kinontak niya si Gio. Magkikita sila sa Valencia yung kasunod na bayan ng Dumaguete. 

Tsk. Mukhang magtatanan pa yata ang dalawang yun.

Pero kahit masakit sa'kin tanggapin ang katotohanan pero tanggap ko na. Tanggap ko  na ito na talaga yung realidad naming dalawa, at sa huli hinayaan ko nalang ang sarili na unti-unti siyang pakawalan. 

Mahal ko siya...pero yung parte pa talaga ng sarili niya ang minahal ko na alam kong kailanman.. hindi naging totoo.

All of Lancelot memories will just vanish like a lost dream. Meant to never be found..again.

Perhaps.. I will just remember him in this way. As if I never learned the truth from James. As if he's still the Lancelot that I fall inlove with the first time he approached me.

Sumakay ulit ako ng barko patungong Dipolog. Baka sa Mindanao, makita ko na yung matagal na kapayapaang hinahanap ng puso ko. Sa kabila man ng nangyari, sana dun mahanap ko na ang katahimikang hinahanap ko.

I still follow Lance's plan. Mag-e-stay muna ako sa isang lowkey na hotel yung medyo secluded saka magreresearch tungkol sa lugar. Maghahanap ako ng isang bayan na hindi gaanong maunlad pero hindi naman ganun ka hirap. Yung laid back lang sana ang ambiance ng lugar. Tahimik, malayo sa gulo at hindi masyadong matao.

May ganun ba talagang lugar?

Sana talaga makahanap ako ng ganoong klaseng lugar.

Nang makababa ng barko, huminga ako ng malalim.

Hindi ko maiwasang kabahan kasi hindi ako pamilyar sa lugar na ito. Hindi rin ako marunong ng kanilang dialecto.

Pero bahala na. Buo ang loob ko na ituloy 'to. Sana talaga makahanap ako ng lugar na pwedeng pagtaguan.. muna.

Naisip ko ang naiwang buhay sa Sta. Paredes. Pagdating ng tamang panahon, makakabalik din ako run. 

Sa ngayon kailangan ko munang magtago mula kay Congresman.

Napakuyom ako sa kamao isipin lahat nang napagdaanan ko sa kanya. Mula sa anak niya at nung huling mga araw.

That old man should rot in hell.

He don't deserve to be in any of those positions in the government.

Hindi ko maiwasang maawa sa mga tao run sa Sta. Paredes. Sana dumating ang panahon na mamulat sila sa katotohanan. Na sana may isang taong maglakas loob para ibunyag lahat ng baho ng Congressman na yun!

Palabas na ako ng pier at ang dami agad mga tricycle ang sinubukan akong pasakayin. Pero dahil hindi ko alam saan pupunta ay minabuti ko munang kumain sa pinakamalapit na carenderia. Nang sa ganun makapagtanong-tanong muna ako tungkol sa lugar.

Hindi pa man ako nakalalayo sa pantalan ay may nahagip na ako sa'king paningin.

Nakita ko kasi sa may sakayan ng bus ang isang pamilyar na mukha na sobrang imposebleng siya nga itong nakikita ko ngayon.

Nakaupo siya sa isa sa mga upuan habang nilalagpasan siya ng mga sasakyan.

Napalunok ako at umiwas agad ng tingin sa kanya.

LAST BROKEN VOW (Broken Vow Trilogy:3)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon