" muli "
12 years after
Napapahingal ako habang matinding pinagpapawisan. Halos maligo na ako sa pawis dahil sa ginawang pagtetraining.
Ramdam ko sa'king likuran ang malamig na marmol na sahig ng court.
Walang ibang tao at tanging ako lamang ang andirito.
For 10 years that my life has become a series of exhaustion and training, I finally want to retire.
Ilang beses na'rin naman ako napabilang sa National Team, at kahit secured na yung napapabilangan kong team dahil sponsored ito ng isang sikat na brand pero pagod na ako sa pagiging professional athlete.
Gusto ko ng magpahinga.
Napadilat ako at natanaw ang malawak na ceiling ng court.
Napabuga ako ng hangin at bumangon na. Just when I'm about to stand up, I never expected to see him here.
Napatda ako at napakunot ang noo.
Anong ginagawa niya rito? Paano niya nalaman na andito ako?
" Rome.. " Nag-aalangan yung mga tingin niya sa'kin.
He smiled, but never continued to do it because of my reaction.
Tumayo na ako ng tuluyan saka umiwas sa kanya ng tingin. Lumapit na ako run sa'king duffel bag.
Nang mailagay ko na ito sa'king balikat, nakita ko siyang nasa tabi ko na.
" What are you doing here, Kai? Akala ko ba nasa states ka na nakabase?"
Napaawang lang sandali yung bibig niya saka nagsalita.
" I have a project here together with Nika. Two weeks lang ako rito."
Hindi lang ako umimik at tinalikuran na siya.
" Rome sandali."
I look at his hand holding my right arm. Walang emosyon akong napatitig sa kanya.
Binitawan niya ako saka miserableng tumingin sa'kin.
" Hanggang ngayon ba galit ka pa'rin sa'kin? Rome, ang tagal na nun. Patahimikin mo na si Lance sa kabilang buhay. Kalimutan mo na siya."
Imposeble akong napatingin sa kanya.
" Alam kong alam mong tama ako sa ginawa sa'yo noon. Hindi ko pinagsisihang ginawa ko yun sa'yo. Kung hindi ko yun ginawa, baka ano na ang nagawa niya sa inyo ni Katie. Tsaka..kaya mo bang sirain ang buhay mo para sa kanya? Look at you now.. nakatapos ka sa pag-aaral. Isa ng successful na professional athlete. Hindi kayo naghihirap ng anak mo. Kung tutuusin.. utang mo lahat sa'kin yang magandang buhay mo ngayon!"
Malamig lang ang naging pagtitig ko sa kanya.
" 12 years na ang nakalilipas Kai, pero hanggang ngayon hindi pa'rin kita mapatawad. Alam mo kung bakit?" Lumapit ako lalo sa kanya upang tingnan siya ng malapitan sa mga mata.
" Dahil walang kapatawaran sa ginawa mo. Tinanggalan mo ng ama yung anak ko!"
Napaawang ang labi niya sa labis na gulat. Napaatras naman ako.
" Isa siyang kriminal Rome!!"
" Wala akong pakialam!! Ke mamamatay tao o hindi.. mahal ko siya!! Mahal na mahal!!"
Napapahingal ako mula ng isigaw yun.
Napatalikod ako sa kanya saka masakit na pinikit ang mga mata. I want to cry, but my tears run dry now because of how many years that I cry for him.
BINABASA MO ANG
LAST BROKEN VOW (Broken Vow Trilogy:3)
General FictionLancelot James (Lance) Santibañez was caught by his father having an indecent affair with his classmate-- Gio Sandoval. Gio is the son of his father's rival in politics. So that led to Don Lucio Santibañez decision to hire someone to be his son's fu...
