33: Rome Castellano

556 25 3
                                        

" single soul "

" Lance!!!! " Napasinghap ako at  napadilat agad.

Napapahingal ako at napatingin sa buong paligid.

Napapikit ako ng maigi sa mga mata nang marealize ang nangyari.

Binangungot na naman pala ako.

Napalabi ako at bumangon. Medyo nahirapan pa ako sa ginawa dahil ang bigat na ng tiyan ko.

Pinagpapawisan ako at naisipang magpapalit nalang ng damit.

Pero natigilan ako nang mapansin na wala si James sa kanyang pwesto.

Hindi naman kami magkatabi matulog dahil medyo malayo yung pwesto niya sakin pero dahil sa liit ng kwartong ito, halos ganun narin ang sitwasyon namin. Magkatabi kami na medyo malayo lang ang agwat ng aming mga pwesto.

Hinanap agad siya ng aking mga mata. Pumunta ako sa may maliit na altar na bahagi ng kwarto saka sinindihan ang gasera. Nang medyo lumiwanag na sa kwarto, saka ko lang napagtanto na wala talaga siya dito.

Napatingin ako sa labas at tanging maliwanag na buwan lang ang aking nakikita.

Malalim na ang gabi. Saan kaya siya pumunta?

Imbes na magbihis, ay bumaba nalang ako ng kwarto. Akala ko nasa baba siya pero wala rin siya rito.

Napalunok ako at medyo kinabahan.

Napahinga ako ng malalim. Hindi ko mapigilang mag-alala na naman.

Paano kung...

Napailing ako.

He promised.

Di ba, hindi na niya hahayaang magising pa ang ibang mga katauhan niya sa kanya?

Lumapit ako sa may lababo. Nakita ko run ang ilang mga kutsilyo. Kinuha ko yung pinakamaliit.

Napahigpit ang hawak ko rito at tinago ito saking likuran.

Napatingin ako sa buong paligid saka buo ang loob na lumabas ng bahay.

I tried to look for him, but all I just  hear are the crashing waves in the ocean.

Mabuti at maliwanag ang buwan kaya hindi ako nahirapang maglakad pababa. Pumunta ako sa may dalampasigan. Hoping I will find him there.

" Lance... " I tried screaming at his name.

Hindi ko alam kung ilang beses na akong sumigaw o kung medyo malayo na ba yung nalalakad ko.

Hanggang sa may dulo ng dalampasigan.. may nakita akong pigura ng isang pamilyar na tao.

Natigilan ako nang mapagtanto na si James ito.

" James.. " Bulong ko. I stop when I realize that he's soaking wet.

Mukhang kagagaling niya lang sa dagat.

Naligo siya sa ganitong disoras ng gabi?

Lalapitan ko na sana siya nang matigilan.

He's staring at the sea like a lost soul.

Napakurap ako nang marealize na parang nakita ko na siya sa ganyang kalagayan noon. Tulala na parang wala sa sarili.

Napalunok ako at napahigpit ang hawak sa dalang maliit na kutsilyo.

I want to believe that Im just wrong. Na mali ako sa nakikita ngayon.

If one of his other versions is awake.. I don't know. Hindi ko alam ang gagawin. Parang.. hindi yata ako handa sa mangyayari.

LAST BROKEN VOW (Broken Vow Trilogy:3)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon