" insane "
" 'til death do us part."
Napakurap ako at nagising mula sa malakas na palakpakan ng mga tao dito sa loob ng simbahan.
Napalunok ako nang marealize na kanina lang pala wala sa kasalukuyan yung diwa ko.
Napatingin ako kina Kai at sa iilang kasama sa team. All of them are busy with their respective task.
Inayos ko ang camera na hawak saka kumuha ng larawan sa bagong kasal.
Nitong linggo, inabala ko ang sarili sa pagsama kay Kai. Hindi para lang kumita kundi para na'rin mawala saglit sa isip ko yung realidad ng buhay kong ito.
Na meet ko kanina yung half brother ni Lance na siyang coordinator ng wedding event na 'to.
He's gay.
I don't know if it runs in the blood, but that probably explain why there's a version of Lance who is like his half brother.
I don't know the real story about their family. Pero alam ng lahat ng taga Sta. Paredes na may anak sa labas si Congressman Santibañez.
Kung titingnan parang ang perfect ng pamilya nila Lance pero itong half brother niya ang nagpapatunay na hindi talaga ganun ang kanilang pamilya.
Marahil nagsimula sa kanilang pamilya yung rason kung bakit nagkaganyan si Lance.
I wonder how does it affect him as a person just to lead where he is right now.
" Sorry Rome...rush yung editing ng team ngayon. Yun ang request ng client. Hindi na muna kita maihahatid sa inyo."
Tipid akong napangiti kay Kai. Pagod ang lahat nang matapos ang event. Pero alam kong pagpupuyatan pa nila Kai editin 'tong mga pictures at videos na nakuha namin kanina kaya naiintindihan ko kung hindi muna niya ako maihatid ngayon.
" Okay lang. May bus pa naman."
Alas dyes na ng gabi at halos isang oras din ang byahe mula rito patungo sa bayan. Mabuti at nakahabol pa ako sa last trip.
Nang makarating ng bahay ay sobrang pagod na pagod talaga ako.
Pero kahit papano, sulit naman dahil nadagdagan yung ipon ko para sa gagawing pagtakas.
Thinking that now gives unwanted emotions in my heart.
How come that I have doubts now on doing it?
Naipilig ko ang ulo sa mga iniisip.
Konting panahon nalang ay maisasakatuparan ko na ang mga pinaplano. Wala ng atrasan sa gagawin ko. Kaya Rome..umayos ka.
Napabuntong hininga ako nang makapasok ng bahay.
I on the switch. Napatingin ako sa kabuuan ng bahay.
Bata palang ay dito na ako lumaki. Bahay 'to ni lola, siyang tanging natira sa mga naipundar niya.
Hindi ito gaanong malaki pero komportable naman tirhan.
Nakakalungkot isipin na darating ang araw na iiwan ko 'rin ang bahay na 'to.
Sana kung makabalik ako 'rito, andito pa 'to.
Napabuntong hininga ako at pupunta sana ng kusina upang uminom ng tubig nang biglang may kumatok sa pinto.
Natigilan ako.
Malalim na ang gabi at wala akong maisip na posibleng dadalaw sa'kin sa ganitong oras.
Mas lalong imposebleng si Kai ito.
BINABASA MO ANG
LAST BROKEN VOW (Broken Vow Trilogy:3)
General FictionLancelot James (Lance) Santibañez was caught by his father having an indecent affair with his classmate-- Gio Sandoval. Gio is the son of his father's rival in politics. So that led to Don Lucio Santibañez decision to hire someone to be his son's fu...
