37: Lance Santibañez

600 25 3
                                        

" last broken vow "

Napatitig ako ng matagal sa anak ko. Mahimbing na siya ngayong natutulog sa kanyang crib.

I never know that such tiny soul could literally turn my world upside down.

She's my biggest miracle and probably my downfall if something bad will happen to her.

Napahawak ako sa kanyang maliit na kamay. I trace my fingers to her so cute nails. She move a little making her half smiled while still sleeping.

Napangiti naman ako. She got her lips from her mother. Pero yung mukha niya, alam kong ako ang kamukha. Even the color of her skin, sa'kin din nagmana.

Napatingin ako kay Rome na ngayon ay nakaupo sa sala ng aming maliit na bahay. Ilang araw ko ng napapansin na parang ang lalim nalang parati ng mga iniisip niya. Minsan tulala siya na para bang may problema siyang iniinda.

Simula nung dumating siya galing palengke na walang mga dalang pinamili, naging ganito nalang siya bigla.

What's wrong with her?

May problema ba siya?

Napahinga ako ng malalim saka nagdesisyong lapitan na siya.

Simula nung nanganak siya, nabasawan na yung kakatulak niya sa'kin palayo. Ni hindi ko na siya narinig na gusto niya akong paalisin dito. Maybe she think that it is really not a good idea to push me away this time because we have now a daughter. She knows that they both need me to be on their side right now.

" Rome..." Napaangat siya ng tingin sa'kin.

" May problema ba?" She just look at me seriously. Napahinga naman ako ng malalim.

" Ano bang nangyari nung last kang namalengke? You're not in yourself anymore since you came back here." Napaiwas siya ng tingin sa'kin saka bumuntong hininga.

May problema nga. Her mood is too heavy for me to handle.

" I saw Kai last time.. sa palengke."

Napakurap ako at sandaling natahimik ang lahat sa'kin.

She saw her bestfriend that is why she's in that mood? Napakunot ang noo ko. Ano bang iniisip niya, ba't kailangan mag-alala siya bigla?

May nangyari bang masama sa kanilang pagkikita?

" Maybe.. I decided..kailangan na nating bumalik ng isla." Napatitig naman ako sa mga mata niya nang tumingin siya sa'kin bigla.

Babalik kami ng isla? Ibig sabihin.. hindi na niya ako paaalisin kundi isasama na niya ako pabalik?

Hindi ko maintindihan na kahit sa kabila ng pag-aalala na nagkita sila ni Kai pero natutuwa yung puso ko isiping tanggap na ako ni Rome. Tanggap na niya ako bilang ako. Bilang si Lancelot James Santibañez.

" Pero.. nag-aalala ako para kay Kai."

Napawi bigla ang sayang nadarama ko nang marinig ang sinabi niya.

" Baka kung anong mangyaring masama sa kanya kapag nalaman ng papa mo na nagkita kami rito sa Davao. Gusto ko siyang kausapin muli. To contact him again...just to explain everything. Para maintindihan niya kung bakit ako umalis. Pero natatakot din ako Lance na kapag nagkita kaming muli.. baka mas lalong lumala pa ang sitwasyon natin ngayon."

That's the reason why she seem pre-occupied these days. Nag-aalala siya para sa kaibigan niya.

Yung matalik niyang kaibigan na matagal ng may gusto sa kanya.

LAST BROKEN VOW (Broken Vow Trilogy:3)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon