10: Rome Castellano

906 26 0
                                        

" posas "

" Rome sandali. Hinto muna tayo. Hinihingal na ako."

Napahinto ako sa pagtakbo at tiningnan si Kai. 

Tinanggal ko ang earphones sa'king tenga saka siya nilapitan.

" Ano? Kaya mo pa ba?" Nitong huli napapadalas yung jogging ko. Running clear my mind especially now that I have so much on my plate.

Kapag pagod ako sa kakatakbo o minsan sa paglalaro ng takraw, mas nakakatulog ako ng maayos.

It has been a week already since I discovered that Lance was really not in his self sometimes.

Until now palaisipan sa'kin kung bakit hindi niya maalala yung ginawa niya.

Maraming mga tanong ang nasa isip ko ngayon. Pero lahat yun walang mga sagot dahil si Lance lang mismo ang makakapagsabi sa'kin ng totoo.

" Grabe..ang bilis mong tumakbo. Sasali ka ba ng marathon kaya ang bilis mo?" I half smiled at him at nagsimula ng maglakad. Sumabay naman siya sa'kin.

" Plano ko sana next month. May fun run activity para sa paparating na fiesta."

" Ah ganun ba." Tiningnan ko siya at nakangiti na siya ng buo sa'kin.

Napangiti na'rin ako.

" Ikaw naman kasi. Sabi ko sa'yo wag ka ng sumama sa'kin." Papalubog na ang araw at nasa malaking ground na kami ngayon ng school. Sa hindi malayo tanaw namin ang ilang mga estudyante na nagpipicnic. Ang ilan ay nagkukuwentuhan habang nakaupo sa malawak na ground. 

May mga punong kahoy dito kaya mainam na pagpahingahan ng lahat lalo na kung hapon. Maganda kasi ang view dito kapag sun set. Presko pa ang hangin dahil sa mga puno. 

May mga street foods na nakahilera sa hindi gaanong malayo. May nakikita akong iilan na bumibili.

" Gusto mo kwek-kwek?" Aya pa sa'kin ni Kai. Tumango ako kaya nagtungo na kami run sa mga nagtitinda ng fishball at kwek-kwek.

" Libre mo ako? " Pabiro kong tanong sa kanya. Natawa siya pero alam kong siya na ang magbabayad nito.

" Kumain ka lang hangga't kaya mo. Akong bahala." 

Natuwa naman ako sa sinabi niya kaya kumain ng kumain lang talaga ako hangga't sa gusto ko.

Habang masayang kumakain ay natigilan ako sa nakita hindi malayo mula sa'ming pwesto.

Napakunot ang noo ko nang matanaw siya sa malayo.

He did not see me, but he's not alone. He's not also with Gio or with his student council buddies.

He's with a girl. I don't know who she is, but they're both occupied with what they're doing.

May hawak silang sketch pad. They're sketching probably.

" Isn't it weird that he stole your ex-boyfriend and now he's with a girl? Ano ba talaga totoong kasarian niya?"

Napatingin ako kay Kai. Kita ko yung inis na pagtataka sa kanyang mukha.

Napahinga ako ng malalim at binalik ang tingin kina Lance.

Napaawang ang labi ko nang bigla siyang napasulyap sa gawi namin.

Much worse with how he stared at us. It looks familiar.

That kind of look. That cold and lost eyes.

Hindi ko maintindihan pero katulad ang mga tinging yun nung last time na bigla siyang naging agresibo sa hotel. 

LAST BROKEN VOW (Broken Vow Trilogy:3)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon