28: Rome Castellano

621 23 4
                                        

" let me stay "

" Ilang buwan ka ng buntis? At saka sinong ama? Ako ba? "

Parang naalimpungatan ako mula sa isang mahabang pagtulog. Sobrang nagulat talaga ako sa biglang pagbalik niya rito.

Kanina pa ako tulalang nakaupo dito sa balcony.

The view is captivating, but my mind is somewhere else.

Hindi ko matanggap yung sinabi sa'kin ni James kanina na hindi talaga ako minahal ni Lancelot.

I can't accept that. For all those words he told me. I fall for it. It was all the reasons why I am easily smitten by him.

Pero ano yung sinabi ng baklang yun? Hindi talaga ako minahal ni Lancelot?

Imposeble! Talaga bang ang baklang yun ang totoong Lance Santibañez?

Hindi talaga ako naniniwalang siya na yung totoo sa kanila. Mas gugustuhin ko pang maniwala na yung masamang Lance talaga ang totoo kesa sa isang baklang tulad niya.

Nakakainis! Mabuti at aalis na siya.

Ganun yung mga iniisip ko nang magulat sa biglang pagbalik niya rito sa balcony.

Kakaligo niya lang at hindi pa nakapagbihis. Mukhang hindi na niya naisip gawin yun dahil sa nalaman.

Napatingin ako sa hawak niyang pregnancy test kit.

Oo nga pala.. may chance na makita niya yan kapag dun sa basurahan ng banyo ko itinapon.

Napapikit ako at aburidong umiwas ng tingin sa kanya.

The last thing that I want now is for him to know.

" Hoy babae! Sumagot ka! Sinong ama? Tell me! Ne rape ka ba nung mga tauhan ng papa nung time na dukutin ka nila?!"

Imposeble ko siyang tiningnan.

I can tell that he's hoping that I would tell him what he wanted to hear right now.

He doesn't want this pregnancy that is why he's hoping that this is not his.

Kahit nasasaktan ako sa naging reaksyon niya pero naiintindihan ko naman siya.

Wala sa timing yung pagbubuntis ko mula sa mga nangyayari sa'min ngayon. We're on a run, and being pregnant will just make it much worst.

" Sumagot ka nga Rome! Sabihin mo sa'kin ang totoo--

" Oo! Nerape ako nung mga tauhan ng papa mo! Hindi ko alam kung sino sa kanila ang ama!"

Natigilan siya. Parang nagulat pa siya na yun ang sinabi ko.

I smile wryly.

" Ngayong alam mo na ang totoo, pwedeng umalis ka na, ha? Umalis ka na sa buhay ko!"

Humalukipkip ako saka aburidong tiningnan muli ang magandang tanawin sa'king harapan.

Hindi siya umalis bagkus natahimik lang. Tiningnan ko siya. Makikita mo talaga yung pagkalito sa mukha niya.

" Oh, bakit ka pa andito? Saka Lance.. kung ikaw nga ang ama nitong dinadala ko, tingin mo karapatdapat kang maging isang ama? Tingnan mo nga sarili mo. Ikaw na mismo nagsabi, that you're a fucked up person. Being a father doesn't suit you. "

He seem hurt with what I said to him. Pero totoo naman yung lahat ng sinabi ko.

I don't want him to father my child even if he's really the father.

" So you plan on raising that alone?"

Knowing that Im pregnant, I was also bombarded with so many dilemmas.

LAST BROKEN VOW (Broken Vow Trilogy:3)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon