27: Lance Santibañez

600 27 3
                                        

" i hate me "

Malalim na ang gabi. The cold air is reminding me that I should get inside now. 

Tiningnan ko si Rome mula rito sa balcony ng aming kwarto. Dito sa isang secluded na hotel sa Bukidnon.

Mahimbing siyang natutulog sa kama. Sobrang pagod na pagod talaga siya mula sa ilang araw naming byahe sa bus.

Kung saan-saan nalang kami napadpad. Ilang beses na'ring huminto pero mukhang gusto ko nalang manatili rito.

Pagod na akong lumayo. Tumakas at magtago. Gusto ko nalang ngayon ay tumigil at magpahinga na walang iniisip na panganib na darating sa'kin anumang oras.

Napayakap ako sa sarili habang naramdamann ang pagdampi ng malamig na hangin sa katawan. Sobrang presko ng hangin dito sa probinsya.

Naririnig ko pa ang mga tunog ng ilang insekto sa paligid. Nakakagaan talaga sa pakiramdam ang ambiance na inihahatid ng lugar na 'to.

Tatlong araw palang kami rito pero mukhang nahanap ko na yung lugar kung saan muna kami mananatili.

Malungkot akong napatingin sa kawalan.

Hanggang ngayon ramdam ko pa'rin yung sakit nung ginawa ni Gio sa'kin isang buwan na ang nakalilipas. Mas masakit pa mula sa pagkakabaril sa'kin.

I was really hoping to finally be with him. He's the one I contacted first the moment Rome told me that she doesn't want to escape together with me.

And it's fine with me. Yun naman talaga ang plano. Mas ligtas siya kung hindi kami magkasama.

Kaya naman hindi na'rin ako nag-atubiling tawagan agad si Gio at sabihin sa kanya ang planong pagtakas. He even agree to my plan. He willingly assured me that he would come. He was happy about it. He was even... excited.

Ang sana na bubuuing buhay namin malayo sa mapanghusga naming pamilya, hindi natuloy.

Hindi ko alam kung bakit biglang nagbago ang isip niya at kung bakit pinagkanulo niya ako sa papa.

I don't know what's his plan. Or was it really his plan to betray me?

Napahinga ako ng malalim.

Kung ano man yung rason niya sa pagtraydor sa'kin hindi pa'rin nun nababago ang katotohanan sa pinili niyang desisyon.

In the end, he still choose to leave me.

Gaya ng papa..na hindi lang ako inabandona, kundi pinili ring ipapatay.

They all wanted me dead. They all wanted me gone into their lives.

Napakurap ako at malungkot na napatingin kay Rome.

Nadamay lang si Rome dito. In the first place, hindi sana siya madadamay dito. Pero katulad ko, nasira rin yung buhay niya dahil mismo sa mapait kong kapalaran.

Kinabukasan habang nag-aalmusal napansin kong parang masama yung pakiramdam ni Rome.

Kanina pa siya pabalik-balik ng CR.

" Are you okay Rome? " Ilang araw ko na siyang napapansin na parang matamlay. 

She never answer me. Para bang hindi niya ako narinig. 

Tumikhim ako at inulit muli ang tanong sa kanya.

Parang nagising naman siya at mukhang nagulat na tumingin sa'kin.

Napakunot ang noo ko. There's really something wrong with her.

" What's bothering you? Bakit Rome, may problema ba?"

LAST BROKEN VOW (Broken Vow Trilogy:3)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon