4 - Weird

220 18 2
                                    

Wala po akong alam about tattoo, foods and things to avoid after getting a tattoo, nakakuha po ako ng ilang ideas sa Google: www.tuasude.com, credits to their website.

---

Natapos na tattoohan ni Saint si Thistle at sa wakas, makakahinga na siya nang maayos! Pigil hininga niya kasi itong tinatattoohan, sa bango ng dalaga, gusto na niyang sunggaban 'to agad. Nagtawag na naman siya ng kung sinu-sinong Santo at Santa para 'di mawala sa sarili.

"Magsusuot na ba agad ako ng damit?"

"Pwede but always remember to maintain a healthy diet post-tattoo, there are also aftercare considerations you need to keep in mind to ensure your tattoo heals properly. These include washing the area with a gentle soap for at least 2 weeks and avoiding sun exposure and swimming. And avoid eating unhealthy foods muna, Thistle. Walang McDo-McDo muna, maliwanag?" Mahilig si Thistle at ang mga tropa niya sa McDo, kahit marami siyang pera para kumain sa restaurant ay mas gusto pa niya ang McDonald's.

Ngumiti nang malawak ang babae. "Yes, Sir!"

Tumango si Saint at kinuha ang credit card ni Thistle sa bulsa ng suot niyang pantalon at iniabot dito. "Nakuha ko na 'yong bayad dyan." Kahit 'di pa niya 'yon nakukuha.

"Okay."

Tumayo na si Thistle at nagdamit, medyo mahapdi pa ang kanyang likod kaso ayaw naman niyang tumagal sa shop ni Saint. Feeling niya may masamang espiritu ang pumasok sa kanyang katawan kanina.

She was happy to leave Saint's shop. Finally, she has fulfilled one of her bucket lists. There is one more thing left. Thistle thought in her mind what she had done on her bucket list and counted them one by one on her fingers.

1) Ang uminom ng tubig sa Singapore. (Done)
2) Ang puntahan ang Northern Lights ng siya lang ang mag-isa. (Done)
3) Ang makita si Taylor Swift ng personal. (Done)
4) Ang makamayan ang nag-iisang Taylor Swift. (Done)
5) Gumastos ng 50 million pesos sa isang araw lang.
6) Ang pumunta sa Paris ng siya lang mag-isa. (Done)
7) Ang makapasok sa Malacañang. (Done: with the help of Xpenser)
8) Ang makita ang kanal sa Japan at manghuli ng isda ro'n. (Done)
9) Ang pumunta sa Israel ng siya lang din ang mag-isa. (Done)
10) Getting a tattoo (Done)

Ang tungkol na lang sa 50 million pesos na gagastusin in just one day ang 'di pa niya nagagawa. Malabo pa sa malabo! May 10 million lang siya sa bank account kaya aabutin pa 'yon ng ilang taon bago mangyari!

No one knows about her bucket list; she will only let them know and post on socmed when she has done everything.

On the other hand, since Saint had no clients, he closed the tattoo shop early. Riding his motorbike, he caught up with Thistle walking on the side of the road. Since he also had an extra helmet, which he really intended to bring earlier, he honked at the woman.

"Sakay ka! Ihahatid kita sa inyo!"

Huminto siya sa gilid at napahinto na rin si Thistle.

"Ayaw ko nga! Baka kaskasero ka!"

"Huh? Hindi." Tumawa nang mahina si Saint. "Hindi ako kaskasero, trust me."

Iniabot na ni Saint ang helmet kay Thistle, maganda 'tong pagkakataon para masolo ang babae.

Kinuha naman 'yon ni Thistle, kahit wala siyang gaanong tiwala sa lalaki. Kalat sa University nila noon na kaskasero magmaneho ng motorbike 'tong si Saint kaya 'di niyo siya masisisi kung bakit wala siyang tiwala sa lalaki ngayon.

"Dahan-dahan kang magmaneho, huh? Sinasabi ko sa'yo!"

"Oo nga! You can trust me, Thistle."

"Fine!"

Smitten Series: Book One to EightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon