23 - Finally

156 17 4
                                    

Sa paglipas ng mga araw, inasikaso na agad ni Saint ang tungkol sa kasal nilang dalawa. Mabilis lamang ang naging prosesa basta may pera.

"This is my invitation for you." said Thistle, holding an invitation card and handling to Jospeh. "Since wala si Maki dahil nasa probinsiya, I want you to be my... you know."

Kinuha ni Jospehine ang invitation card at agad na binasa ang nakasulat.

"Bride's maid?"

"Yup." ngumisi si Thistle, nasa bahay siya ngayon si Josephine at kasama si Slate na nasa labas ng bahay dahil si Saint ay may inaasikaso pa rin hanggang ngayon.

"Ako talaga? Magsusuot na ako ng dress, awit!" sabay tawa ni Joseph. "Don't worry, 'di ko tatakasan 'tong pagiging bride's maid ko."

"Dapat lang, ano ka ba! Gusto ko makita na maging babae ka sa araw ng kasal ko."

"Okay.Naglilihi ka na ba?"

"Hindi pa naman, tinatamad lang ako. Tanghali na rin nagigising so that's why Saint is the one who manages our wedding. Mom and Dad also help him, so that's why mabilis lang ang proseso, next month ay ikakasal na kami."

"Gaganapin sa isang five-star hotel and restaurant ang reception ninyo?"

"Yes, kabilang building ng hotel na pag-mamay-ari rin ni Wyatt."

"Okay."

Saglit pa silang nag-usap do'n ni Josephine bago magpaalam si Thistle at umuwi na.

"Do you want something to eat?" asked Slate, they're in the BGC area, plano ni Slate na ipunta sa bookstore niya ang kapatid.

"I want Krispy Kreme donut."

"Sige, hahanap lang ako ng parking-an, okay?"

"Okay."

Slate found a parking lot but far away from his bookstore and from Krispy Kreme. Kaya ang ending, naglakad ang dalawa. Mainit pa rin ang panahon, pero maraming tao pa rin ang naggagala sa BGC. Pagpunta sa Krispy Kreme ay agad na um-order si Slate ng donut para sa kapatid.

"Here's your donut. Let's go to my bookstore. Malamig do'n at pwede ka ro'n matulog if you want, I have bed in my office."

"Thanks, Kuya. This is actually the third time, ano, na pupunta 'ko ro'n. One year ago, na pala ako 'di nakakabisita sa LuvBook."

"'Cause you didn't love books that much."

Thistle just laughed, hindi niya muna kinain ang donut na hawak. Plano niyang kainin 'yon pagdating sa LuvBook. Slate bookstore is actually a mini bookstore of Fully Booked here in BGC pero kahit gano'n, dinadayo pa rin ang store.

Slate has books in LuvBook about new adult fiction, international and local books. Have mystery and science fiction, too. Romance and Contemporary Books. The LuvBook also had manga and manhuas from Korea and Japanese works. It also has Chinese books included the Heaven Officials Blessings and other works of Mo Xiang Tong Xiu. Kaya karamihan nang napunta ay mga high school at college students.

"Good noon, Ma'am and Sir. Welcome back po." ani Kyla, isang staff sa LuvBook.

"Tapos na ba kayo kumain? Wala pa naman gaanong tao, mag-tanghalian na kayo."

"Tapos na po, Sir."

"Okay."

Nagtungo na ang dalawa sa office ni Slate, walang gaanong masyadong gamit. Simpleng kama, simpleng table, chair, water dispenser and computer set lang ang naroroon.

"Your office looks dull."

"I know, it's a man thing though."

Umupo si Thistle sa upuan at do'n na kumain ng donut. Si Slate ay umupo sa swivel chair at may pinapanood na sa cellphone nito. After eating the donut and drinking, Thistle felt sleepy. Humiga siya sa kama at mabilis na nakatulog.

Smitten Series: Book One to EightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon