14 - Meet Van

111 15 0
                                    

Okay na ang pakiramdam ni Thistle, at makakagala na siya ngayon. Plano na niyang pumunta kayna Joseph ngayon para makipagkwentuhan na sa mga 'to. Palabas pa lang siya ng bahay nang makita ang isang matangkad na lalaki na nakatayo sa may gate nila. Nang magtama ang mga mata ay agad siyang napasigaw at niyakap ang lalaki.

"Van! What are you doing here!?" asked Thistle, Van is her childhood friend. He is currently living in Dubai. Kapitbahay nila dati ang pamilya ni Van noong nakatira pa sila sa Xevera subdivision.

Matagal na niya 'tong nakita, ten years na ata nang huli silang magkita.

"Visiting you. I contacted Slate and asked him for the address of the house you guys lived in. Good thing, he's using his old phone number."

"Right, Kuya doesn't have social media accounts. Anyway, I'm so glad you came here!"

Bago makilala ni Thistle sina Maki at Joseph, una niya 'tong nakilala. Si Van ang unang nakaalam na attracted siya sa babae, lahat ng sikreto ay alam nito. Para kay Thistle ay pangalawang Kuya na niya si Van.

Magaan din ang loob niya rito.

But for some reason, Van didn't contact Thistle after leaving the Philippines and now, suddenly he's back.

"Ahm, are you going somewhere? Can I join you?"

"Yes, sure! I'm going to my best friend's house. Her name is Josephine, and she's also a tomboy like me. Magiging close mo rin 'yon!"

Ngumiti at tumango lang si Van, walang nagbago kay Thistle, gano'n pa rin ang babae sa kanya.

"Bakit ngayon ka lang bumisita? How's Dubai? Kailan ka pa rito sa Pilipinas?"

Lulan na sila ng sasakyan ni Van, at panay tanong na ang dalaga sa kanya.

"Noong isang araw pa ako rito, and sorry if natagalan sa pagbisita. Kailangan kumayod talaga, eh. Hirap maging mahirap, kailangan lagi masipag. And Dubai is cool, okay naman do'n. I'm now building a cafe store there."

"That's good!"

Van came from a poor family, at inampon lang ng mag-asawang De Leon ang lalaki. Dalawang taon ang tanda nito kay Thistle, at kaya naging close sila ng babae ay dahil kahit mayaman 'to, down to earth pa rin ang babae. Kaya naging magkaibigan ang dalawa.

But Van has been hiding something from Thistle for a long time.

"How are you, Thistle? Single pa rin ba?"

Sa tanong ni Van ay napaisip si Thistle, kalaunan ay ngumiti na rin.

"I'm seeing someone now."

Kumirot ang dibdib ni Van, pero napangiti na rin. "Babae?"

Ngumiti lang si Thistle rito.

Napahigpit ang hawak ni Van sa manibela. Nahuli na naman ba ako? 'Yan ang nasa isip ngayon ni Van. Who's that lucky girl? I want to meet her.

"Recent lang ang relationship niyo?"

"Yes."

"Masaya ka naman sa kanya?"

"Yes."

"That's... good." But for Van, that isn't good at all.

Wala naman kaide-ideya si Thistle sa nararamdaman ngayon ni Van. Basta lahat ng sinagot niya sa tanong nito ay tunay. Pero...

"Ihinto mo muna dyan Van sa gilid. 'Yon na 'yong bahay ng kaibigan ko."

Van stopped the car, bumaba na ni Thistle at gano'n na rin siya matapos niyang pataying ang engine ng kotse. Sabay nilang pinasok ang bahay ni Josephine na kasalukuyang naglalaba ngayon ng mga damit.

Smitten Series: Book One to EightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon