16 - Official

143 13 0
                                    

Pagpunta sa Mang Inasal ay pinatabi ni Joseph si Thistle sa kanya. Ngayon ay napapagitnaan si Thistle ng dalawang kaibigan. Si Saint at Van ay magkatabi ng upuan. Na predict na ni Joseph na magtatalo ang dalawang lalaki kaya naman pinagitnaan na lang nila ni Maki si Thistle.

Naging tahimik naman ang pagkain nila sa Mang-Inasal.

Hindi makaporma ang dalawang lalaki dahil tinitignan sila ng masama ni Joseph.

"Let's go na! Pa-one o'clock na!" excited na wika ni Thistle.

Hinawakan siya ni Saint sa kamay. "Baka mawala ka. Mukha ka pa naman bata."

Thistle pouted her lips, tumabi sa kanya si Van at sinulyapan ang magkahawak nilang kamay. Hindi lumayo si Thistle kay Saint, at sobrang close na nila.

Imposibleng ang lalaking 'to ang tinutukoy ni Thistle dahil tomboy siya. Ang nasa isip ni Van.

"Nakakaexcite, gagi! Bibilhan kong souvenir si Papa at Mama!" ani Maki.

Tumagal lang sila ng ilang minuto sa pila at nang makapasok na agad nagpicture sina Maki at Joseph, ang kanilang photographer ay si Thistle. Ang dalawang lalaki ay bored lang sa likuran nila.

"Daming chix!" ani Joseph kay Thistle. "Look over there, oh! May sexy!"

"Pumunta tayo rito para mag-enjoy sa rides, 'di para mangchix!" natatawang wika ni Thistle.

Nagpunta na sila sa rides na wala pang gaanong tao at do'n sumakay. Nagpunta sila sa bumper car smash at ang tinatamaan ni Saint ay si Van. Nagkainisan ang dalawa hanggang sa sila na ang magbanggaan do'n. Napa-facepalm si Thistle sa dalawang lalaki.

"Ang sweet naman ng dalawang 'yan." nginuso ni Maki sina Saint na ngayon ay nanggigigil sa isa't-isa.

Nang matapos na silang magbumper car smash ay nagpunta na sila sa seahorse viking. Hinila agad ni Van si Thistle pero 'di nagpatalo si Saint.

Damn this guy. 'Yan ang nasa isip ng dalawang lalaki.

Nagkatinginan si Maki at Joseph, tumango si Maki at hinila na si Van. "Pareng Van, dito ka na sa tabi ko."

"Huh? Pero-"

"Shh, tara na."

Nakahinga nang maluwag si Saint dahil sa ginawa ni Maki.

"Saint, behave!" Thistle looked at him. "Be nice to Van, he's my childhood friend."

At ano ako sa'yo, Tle? Gusto 'yon itanong ni Saint sa babae pero kinalma na lang niya ang sarili. Ayaw niyang masira ang araw na 'to dahil enjoy na enjoy si Thistle.

"Okay, fine. I'll be nice and... behave."

Thistle nodded her head, umupo na sila sa kanang dulong bahagi ng seahorse viking.

They enjoyed the ride, and they screamed. After that, they went to Gabi ng Lagim. Thistle and her friends went inside of it at iniwan ang dalawang lalaki sa entrance niyon.

"Ikaw ang makakasama ko?" hindi makapaniwalang pagtatanong ni Saint kay Van.

"May problema ka ba sa'kin, pre? Mag-usap nga tayo."

"Thistle is mine, she's mine and mine alone." said Saint quickly "I don't need to explain myself to you. But remember this, Thistle is mine and I don't plan to give her up on you."

"Huh!" Van smirked. "Do you think she likes you? She told me yesterday that she's in a relationship right now. And she's a lesbian."

"So?" Saint gave Van a dead pan look.

Smitten Series: Book One to EightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon