1 - Saint and Thistle

477 31 7
                                    

This story is written in Third Person's Point of View. H'wag malito. Thanks.

---

"Hey, want more?"

Tumingin si Saint Adonis sa babae na nag-alok pa sa kanya ng wine. Maganda ang babae, sexy at malaki ang dibdib. Ngumiti si Saint sa babae at hinapit 'to palapit sa kanya.

"Alak lang ba ang iaalok mo sa'kin?"

"Hindi," malanding ngumiti ang babae. "pag ininom mo 'tong wine na 'to, baka ialok ko rin sa'yo ang katawan ko."

"That's what I like, babe." kinuha na ni Saint ang hawak na baso ng babae at ininom ang laman.

Nasa isang private bar si Saint kasama ang mga kaibigan, at dahil isa pa silang bachelor, malaya silang gawin ang gusto nila.

Saint Adonis Creed is a 27 year old man, living in a luxury life, and he's a playboy. Wala sa isip na mag settle down balang araw. Masyado pa siyang bata para sa isiping kasal. Akala nga ng iba, matinong lalaki si Saint Adonis dahil sa kanyang pangalan pero heck, kabaliktaran 'yon. Mas masahol pa siya sa demonyo.

Hahalikan na sana niya ang babae nang lumapit sa pwesto niya si Slate, kaibigan niya simula college student pa lamang siya. Slate Wright is a business man and owned a bookstore in Serenda named LuvBook. And Saint is a tattoo artist, beneath those sexy shirts he's wearing, maraming tattoo ang nakatago ro'n.

"Man, may favor ako sa'yo."

"What is it?" kumunot ang noo niya, ang babaeng kausap ay ngumiti sa dalawa bago naglakad palayo.

Damn, chix na sana, nawala pa.

"I can't drive right now, ikaw na sana ang magmaneho ng kotse ko. Ihatid mo ako sa'min."

Pagkarinig niya sa 'samin' ni Slate ay kumabog ang dibdib ni Saint. Hindi dahil sa kaibigan kung 'di dahil sa maaaring makita niya sa bahay nito.

"Yeah, sure."

"Napipilitan ka ata."

"No, no. Hindi, ah!"

Tumawa si Slate at binigay na kay Saint ang susi ng kotse. Nagpalaam ang dalawa sa limang kaibigan nila; si Wyatt Montpelier, si Xpencer Glazier, si Exo Pierre Teixeria, at ang kakambal nitong si Dous Nicholas Teixeria at si Uno Reversal. Pito silang magkakaibigan simula college students sila at pare-parehong may mga business.

Pumunta na ang dalawa sa parking lot, pumasok na agad si Slate sa loob ng kotse at nakatulog agad. Tahimik na pinaandar ni Saint ang sasakyan.

Alas dos na nang madaling araw, paniguradong tulog na ang babaeng ayaw makita ni Saint.

Pagdating sa bahay ni Slate ay ginising na niya ang kaibigan pero masarap na ang tulog nito. Napakamot na lang siya sa ulo at lumabas ng kotse, umikot at binuksan ang pinto sa pwesto ni Slate. Inalalayan niya ang kaibigan papunta sa gate.

"Damn, pare, ang bigat mo."

Hindi sila nagkakalayo ni Slate ng timbang at tangkad, parehong nasa 6'2 ang dalawa kaya naman sobrang bigat talaga ng kaibigan.

Pumindot siya sa doorbell. Umaasa na may gising pang katulong sa bahay ng mga Wright.

Maya-maya pa ay bumukas na ang gate at niluwa niyon ang nag-iisang kapatid ni Slate, si Thistle.

Nakasuot 'to ng maluwag na damit na kulay puti at pants na sobrang laki. Thistle is a tomboy, ang gupit ay pixie cut at mataray ang itsura pero kahit gano'n malakas ang tama ni Saint dito.

"Lasing na ang kuya mo."

"Nakikita ko nga." Nilakihan ni Thistle ang bukas ng gate, "Pakihatid na lang sa kwarto si Kuya, sa tangkad niyan 'di ko 'yan kaya."

Tumango si Saint, naglakad na palayo si Thistle at iniwan ang lalaki sa may tapat ng gate nila. Bakit sa kanilang dalawa, si Saint lang ang may tama? Dapat si Thistle rin, gwapo si Saint at maganda ang katawan pero walang talab sa babaeng 'yon. Tomboy talaga.

Sa dami-daming babaeng nagkakagusto sa kanya, sa tomboy pa siya nagkagusto.

And worst, nag-iisang kapatid ni Slate ang babae. Kaya hangga't maaari, kailangan niyang layuan ito. Ilang buwan na ba simula ng huli niya 'tong makita? Tatlong buwan na siguro. Nakaya naman niya, at ngangayon na lang ulit sila nagkita. Walang nag-iba sa mukha ni Thistle, maamo pa rin.

"Tutunga-nga ka na lang ba dyan? O lasing ka na rin?"

Napabalik sa wisyo si Saint. Bumalik si Thistle nang makitang hindi nakasunod sa kanya ang lalaki.

Para kay Thistle, si Saint ay isang bangag at babaero. Ayaw niya sa ganitong tipo ng lalaki. 'Yong bang mataas ang bilib sa sarili at gwapong-gwapo sa sarili.

Kung 'di lang 'to kaibigan ng kuya niya, nasapak na niya 'to dati pa.

Naglakad na palapit sa kanya si Saint habang akay-akay ang kanyang Kuya. Kung lalaki lang siya, lagi siyang sasama sa gimik nito. Para kay Thistle, mas maganda ang maging lalaki, maraming pwedeng gawin. 'Di gaya pag babae, na kailangan mahinhin at naaayon ang itsura sa gusto ng iba.

Dumiretso si Thistle sa kusina at kumuha ng snacks, kung bakit gising pa siya, nanonood siya ng Fear Street Trilogy sa Netflix. At sa sobrang ganda ng palabas, 'di na niya namalayan ang oras.

Paakyat na siya sa kanyang kwarto nang makasalubong si Saint.

"Gusto mo?" pag-aalok ni Thistle rito ng M&M. Kahit ayaw niya sa lalaki, 'di naman siya madamot.

Umiling si Saint at tahimik na nilagpasan ang babae. Malakas ang kabog sa dibdib at 'di alam ni Saint kung paano 'yon papakalmahin.

Nagkibit-balikat na lang si Thistle bago maglakad papunta sa kanyang kwarto. Na weweirduhan siya sa kaibigan ng kuya niya.

Pagkalabas ni Saint sa bahay nina Slate ay ginulo niya ang buhok at napabuga ng hangin.

"Fuck, I need to find a woman right now. Pag hindi, mababaliw na ako." pagbubulong nito sa hangin.

Tumingin siya sa kalangitan, maraming bituin do'n. Naalala niya ang unang pagkikita nila Thistle, at aaminin niya, na love at first sight siya rito.

Hindi mahilig magsuot ng sexy na damit ang babae, laging maluluwag na damit ang suot nito. Never niya rin 'tong nakitang nagsusuot ng palda at takong. Laging pantalon at sneakers. Pero kahit gano'n, mas maganda si Thistle kaysa sa mga babaeng nakakausap niya.

May something sa babae na 'di niya mawari.

At 'yon ang 'di niya matanggap.

Bawal, at ayaw ng isip niya.

Ang puso niya lang may gusto.

Lintek na puso 'yan, tumibok pa sa tomboy.

Smitten Series: Book One to EightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon