15 - Saint Vs. Van

114 15 0
                                    

Nang bumitaw ang dalawa sa pakikipagkamay sa isa't-isa ay saktong dumating na rin si Slate. Bumusina 'to at binaba ang isang bintana ng kotse.

"Pumasok kayo sa loob ng bahay, h'wag humarang sa daan."

"Ah, paalis na rin ako, Slate." ani Van.

"H'wag ka munang umalis. Magdinner ka na rito."

"Magdidinner din ako rito, pre." mabilis na wika ni Saint.

Natatawa si Slate sa nangyayari ngayon. Si Thistle ay kinakabahan pa rin.

"Sige, magsipasok na kayo sa loob."

Nang makapasok na sila sa loob ay do'n lang pumasok si Slate at pinarada ang kotse sa garahe. Pagbaba nito ay nginisihan nito si Saint. Ang apat ay pumasok na sa loob at nagtungo na sa dining area.

Nagsipaghanda na ang mga katulong ng kakainin nila. Tumabi si Van sa kanang upuan ni Thistle, si Saint ay sa kaliwa naman at si Slate ay s harapan ng kapatid.

Nagtataka si Van kung bakit ang sama ng tingin sa kanya ni Saint, gayung wala naman siyang ginagawang masama.

"Saint, behave." Thistle whispering it to Saint, na ngayon ay madilim ang aura.

"I'll try, okay? Ang daming upuan dito pero sa tabi mo pa siya umupo."

"May sinasabi ka, pre?" ani Van.

"Wala."

Nginitian lang ni Thistle si Van, si Slate ay tuwang-tuwa habang nakatingin sa tatlo, particular na kay Saint.

Nagsimula na silang kumain, Van put a chicken on Thistle plate. Nakita 'yon ni Saint kaya naman naglagay si Saint ng panibagong chicken at kinuha ang bigay ni Van at 'yon ang nilagay sa kanyang plato.

Napanganga si Thistle, si Slate ay muntik nang masamid sa iniinom na juice at si Van ay naningkit ang mga mata.

Kumuha ng isda si Van at nilagay 'yon sa plato ni Thistle, kinuha 'yon ni Saint at tinanggal ang laman ng isda sa tinik bago nito ilagay sa plato ng babae.

"You need to eat a lot of food, Tle." The Saint said, isa-isa niyang nilagay lahat ng pagkain na mayro'n sa mesa sa plato ni Thistle. "Oh, ayan, puno na ang pinggan mo. You should eat that."

Paano ko kakainin lahat ng 'to eh busog na ako! Kumain ako kayna Jospeh kanina nang kaunti!

"Kung ayaw mo, ibigay mo sa'kin. Kumain ka na nang kaunti ro'n kayna Joseph, 'di ba? H'wag mong pilitin kapag ayaw mo na." said Van, glancing at the Saint.

The Saint was holding the spoon tightly and his jaw tightened. Kinuha niya ang plato ni Thistle at ipinalit ang kanya.

"Ako na ang uubos." anito.

Tumahimik na sa hapag-kainan. Nang matapos silang kumain ay nagpaalam na si Van kay Thistle.

"Thanks, sa dinner, pasabi sa Kuya mo."

Si Slate kasi ay dumiretso na sa kanyang kwarto pagkatapos kumain.

"Okay, mag-iingat, ah?"

Gustong burahin ni Saint ang ngiti ni Van ngayon. Si Thistle naman ay malawak talaga ang ngiti nito sa lalaki.

Ganito ba talaga pag childhood friend? Pag sakin halos ipagtulakan ako.

Kinain na ng selos si Saint pero pilit pinapakalma ang sarili.

"Yayain kita bukas, punta tayong amusement park."

"Sure!"

Akala mo masosolo mo si Tle? Sasama ako!

Nakatingin lang si Saint at nakapwesto sa likuran.

Niyakap na ni Van ang babae at hinalikan pa sa pisngi. Tumayo ng tuwid si Saint at mas lalong umigting ang panga nito.

"Aalis na ako, sunduin kita rito bukas."

"What time?"

"Nine o'clock nang umaga."

"Okay! Ingat ka! Isama ko sina Maki, okay lang ba?"

Nagkibit-balikat si Van. "Kung free sila." pero sa isip nito, maganda na kung dalawa lang sila ni Thistle.

"Sige, I'm going to ask them mamaya and will text you tomorrow na lang, okay? See you tomorrow, Van!"

Kumaway na si Van at pumasok sa loob ng kotse at nagmaneho na palayo sa bahay nina Thistle.

Aagad na lumapit dito si Saint at pinunasan ang pisngi nito.

"May germs." ani Saint sa kalmadong boses. "Sayang ang kutis mo sa mukha kung makakapimple ka kaagad."

"Baliw!" hinampas ni Thistle ang kamay ni Saint.

"I'm serious, okay?" Nang matapos na siyang punasan ang pisngi nito at tinitigan niya sa mga mata ang dalaga. Nagtataka naman si Thistle sa kinikilos ni Saint.

"Hindi mo ako tatanungin kung gusto ko sumama bukas?"

"Ah... busy... ka, 'di ba?"

"Hindi ako busy bukas."

"So, sasama ka?"

Ngumisi si Saint. "Kahit 'di mo ako tanungin, sasama talaga ako." ginulo nito ang buhok ni Thistle.

"Baliw ka talaga!"

"Yup, baliw sa'yo." Lumayo na si Saint at tumalikod. "Pupunta ako rito bukas, makikita mo. I will declare war!"

Sumakay na 'to sa motorbike at pinaandar 'yon papunta sa katapat na bahay.

"Good night, love! Paniginipan mo ako, ah!"

Umiling si Thistle at lihim na napangiti. Parang bata rin pala minsan si Saint. Kapag nagseselos. Kung alam lang ng babaeng ito ang nararamdaman ngayon ni Saint.

Kinabukasan, wala pang nine o'clock ay nasa bahay na niya ang tatlo. Si Maki, Joseph at Saint. Around eight thirty nang umaga ng dumating na si Van at nagulat pagkakita sa mga kasama nila.

Akala ko dalawa lang kami ni Thistle, may kasama pala talaga at kasama ang lalaking 'yon. 'Yan ang nasa isip ni Van ngayon. Sino sa dalawang babae ang tinutukoy ni Thistle na karelasyon nito ngayon?

"Tara na, Van! Naka-ready na kami!"

Masaya ngayon si Thistle at hyper na hyper.

"Sure, sakay na kayo sa kotse."

"Ako ang katabi mo pre. Ang tatlong babae sa likod." ani Saint, pinagbuksan ng pinto ang mga babae. "Pasok na kayo, ladies."

"Ew, Saint. Ladies? Tomboy kami!" sabi ni Maki, 'di maipinta ang mukha.

"Pumasok ka na lang, magiging babae ka rin naman."

"Ano!?"

Hindi na pinansin ni Saint si Maki, naunang pumasok ng kotse si Joseph, sumunod si Maki at bago si Thistle. Sinara na niya ang pinto, pumasok at umupo na sa driver's seat. Si Van ay pumasok na rin at pinaandar ang sasakyan.

"We can go to E.K if you want guys, or Star City."

"Star City na lang. Nakakabili ng ticket sa online. Para malapit." suggestion ni Joseph.

"Kahit saan ako okay." sabi ni Maki.

"Same."

"Nakabili na ako ng ticket kagabi." sabi ni Saint. "Limang ticket." na na-predict nito agad kagabi kung saan silang amusement park pupunta ngayon.

"'Yon!"

"We're going to have lunch at Mang Inasal muna since ang bukas pa niyon ay one o'clock in the afternoon." suggestion ni Thistle. Sumang-ayon ang mga kasama niya.

The drive went smoothly, and the battle of Saint versus Van is just getting started.

Smitten Series: Book One to EightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon